GUMAGAWA NG ASSIGNMENT si Dark habang ako naman ay gumagawa din ng assignment ko kay Dimitri. Ewan ko ba naman sa lalaking iyon at pinag-aaral niya ako ng kung ano-anong libro. Ang sabi niya basahin ko lang ang tatlong libro na binili niya after naming magbakasyon. Fifty shades "I'm home" Sigaw ni Dimitri, si Dark parang kiti-kiti na tumayo at tumakbo palapit kay Dimitri. Naging super close kasi ang dalawa after ng bakasyon namin. At naipaliwanag na sakin ni Dimitri Kung bakit apilyido na niya ang gamit ni Dark. Ang sabi niya ginawa lang niya iyon para hindi maging tampulan ng tukso si Dark sa school. Kasi tinatawag siyang tatay ni Dark tapos magkaiba sila ng apilyido. Isa pa ngayon ko lang din nalaman, kay Dimitri ang school. "Ang aga mo yata?"tanong ko habang papikit pikit ako at

