KABANATA 5

1978 Words
MIA'S POV I compose myself first bago tuluyang pumasok ulit sa loob ng bahay. Nauna ng pumasok si Kieran at iniwan akong natutuod na nakatayo dito. Ilang beses pa akong huminga ng malalim dahil sa hiyang nararamdaman. Bakit kasi agad kong inassume na he's here for me? Aish! Kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko. I have a boyfriend, and what I did with Kieran is unacceptable. Pagkapasok ko ay sakto din ang pag alis nina Kieran sa sala dahil nasa likod pala ang pwesto nila. Nagkatitigan muna kami ni Kieran sandali pero agad ko ding iniwas ang aking tingin at naupo na sa couch ulit. "He's really handsome no? Kaibigan pala siya ng kuya mo, Sofia?" chismosa talaga itong kaibigan kong to eh. "Yeah, he's friends with kuya's circle." malapad ang ngiting wika ni Sofia. May naramdaman akong kakaiba sa tono ng boses niya kaya tumaas ang kaliwang kilay ko. She's very obvious.. she likes Kieran. "So, palagi siyang nandito? I heard madalas tumambay ang barkada nina Calyx dito sa bahay niyo eh." I heard Raine said. "Ang dami mo namang naririnig!" singit ko at inipon na ang mga ginunting na mga designs. "Well, ex boyfriend ko kasi si Dylan kaya you know.." saad niya na ikinairap ko. Madalas kasing magpalit ng boyfriend itong kaibigan ko kaya hindi ko na halos kilala ang iba. "No, hindi siya palaging nandito. Actually second time niya palang dito eh, yung una is yung nagpatulong sina kuya sa kaniya sa isang subject." sagot ni Sofia sa tanong ni Raine kanina. "Girl, you're very obvious na gusto mo siya. Look oh, mukha ka ng kamatis sa pula ng face mo!" singit naman ni Andrea. "True! And the way that your eyes shines kanina ng magkalapit kayo, my gosh! Pero infairness ha, you two are so bagay!" dagdag naman ni Lea. Pasimple akong napairap sa mga sinasabi nila. Obvious nga na gusto ni Sofia si Kieran pero obvious din namang walang gusto si Kieran sa kaniya. Haynaku! Ang bitter ko naman! "Ano ba kayo! Stop talking about my lovelife dahil wala pa. Let's talk about Mia's lovelife nalang! I heard kayo na ni Miguel? Kumusta naman siya as a boyfriend? Grabe ang swerte mo ha!" sambit ni Sofia at bumaling silang lahat sa akin. "Oo nga no? Come on, Mia! Kwentuhan mo naman kami!" excited nilang saad at itinigil pa ang ginagawa. Napangiti ako ng maalala si Miguel. "Well, he's uhmm.. he's very boyfriend material. Super sweet and very ahh basta!" saad ko at natawa na lang sa huli. Maraming curious sa status namin ni Miguel because he's famous at our school. "That's good to hear. Sana magtagal kayo." seryosong wika ni Andrea kaya tumaas ang kilay ko. "We're compatible kaya siguro naman magtatagal kami." kompyansa kong pahayag. Ngumiwi siya kaya napakunot ang noo ko. "Why?" taka kong tanong. "Well, it's just that.. alam mo namang babaero si Miguel right?" sagot niya na ikinaikot ng mga mata ko. "Dati iyon. Siguro naman nagbago na siya diba?" ani ko sa kanila pero wala man lang nag agree sa akin. Kahit si Raine ay walang sinabi kaya napanguso na lang ako at hindi na nagsalita. "Oh my gosh! Finally it's done!" bulalas ni Sofia habang naka harap sa laptop niya. Napangiti din ako dahil that means hindi na kami babalik dito bukas. "Hayy salamat naman!" bulalas din naman at nag inat inat. "Ipiprint ko na lang to and bibigyan ko kayo ng copies, okay?" saad niya na ikinatango namin. Tatayo na sana siya pero biglang nag ring ang cellphone niya at nakita naming lahat na mommy niya ang tumatawag. "Oh, guys kayo na lang muna print nito, I'll just answer this call." she said and immediately walked out. "Kayo na mag print tinatamad akong tumayo eh." mabilis na sambit ni Andrea at humiga sa couch. Nag cellphone naman si Raine at umiling iling si Lea kaya ako na lang ang tumayo at binitbit ang laptop ni Sofia. "Saan banda ang printer nila?" tanong ko. Tamad na tinuro ni Lea ang daan papuntang kusina kaya napakunot ang noo ko. Wala naman akong nakitang printer doon kanina ah? "Iyong room sa kaliwa, nandoon ang printer nila, pasok ka lang." saad niya kaya tumango ako at agad silang iniwan sa sala. Nakita ko naman agad ang kwartong sinasabi ni Lea kaya agad ko iyong binuksan at naabutan si Kieran na nagpiprint din doon. Aalis na sana ako pero mabilis siyang nagsalita. "Patapos na ako." saad niya at nilikom ang mga papel na prinint niya. Tuluyan kong isinarado ang pintuan at hinintay siyang matapos. "Hindi ka kumain ng agahan kanina, Clarisita." pahayag niya habang nasa likod ko na. Hindi ko siya nilingon at kinonnect agad ang laptop sa printer. "Clarisita." ulit niya kaya madiin akong napapikit. Ang kulit niya! "Just get out, Kieran. It's none of your business kung kakain ako or not." masungit kong wika at pinindot ang print button kaya tumunog ang printer. Napatuwid ako ng tayo ng maramdaman siya sa aking likod. "It's my business, Clarisita. Pinapag aral ako ng daddy mo kapalit ng pagbabantay at pag aalaga sayo." seryoso ang boses niyang saad. Napalunok ako at pilit iwinaksi sa isipan kung paano dumampi ang mainit niyang hininga sa aking leeg. "I can take care of myself ." madiing wika ko at hinarap siya. Pero mukhang wrong move ata iyon dahil sobrang lapit niya pala sa akin. "Yeah right, kaya ka nagka ulcer dahil inaalagaan mo ng mabuti ang sarili mo." puno ng sarkasmong wika niya na ikinainis ko. "Aishhh! Don't talk to me! Umalis kana nga! Nakakainis ang mukha mo!" bulyaw ko at itinulak pa ang dibdib niya. Tinitigan niya muna ako ng ilang minuto bago tuluyang lumabas. Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas niya. Shit! Hiningal ako doon ah! Kanina ko pa pala pigil na pigil ang paghinga at sobrang lakas ng t***k ng puso ko! He's really intimidating! Mabilis kong inipon ang mga naprint dahil tapos na pala iyon. Hindi ko agad napansin dahil pinapakalma ko ang aking sarili. Kailangan ko na talagang itigil ang kahibangang ito! Hindi naman ganito katindinang nararamdaman ko kay Kieran dati eh! Pagkabalik ko sa sala ay nagliligpit na din sila. Agad na nagdiwang ang aking loob dahil ibig sabihin ay makakauwi na kami. "It's printed na guys!" anunsiyo ko at itinaas pa ang mga papel na hawak gamit ang isang kamay. Pagkatapos naming kumuha ng tig iisang copy ay nag paalam na kami sa isa't isa. Nagmamadali naman akong sumakay sa kotse kaya ipinagtaka iyon ni Raine. "Bakit ka ba nagmamadali? What's wrong?" taka niyang tanong habang nasa biyahe na kami. Medyo madilim na sa labas dahil gumagabi na. I still have plans tonight! "Balak kong isurprise si Miguel tonight. Pupuntahan ko sa condo niya and ipagluluto ko siya." sagot ko sa tanong niya habang nakangiti. "Eww! Lover era mo na talaga ngayon eh!" saad niya na tinawanan ko lang. Hindi naman.. gusto ko lang bumawi kay Miguel. He's been a good boyfriend sa akin pero may nagawa akong malaking kasalanan sa kaniya. Balak ko ding doon sa condo niya matulog ngayong gabi kaya nagmamadali akong umuwi para di ako maabutan ni Kieran. Pagkatapos kong idrop off si Raine sa condo niya at pinaharurot ko ang kotse papunta da condo ko. I prepared Miguel's favorite dish, which is sinigang na baboy. Marunong naman akong magluto no, pero madalas ay tinatamad ako kaya nag oorder nalang o di kaya ay hindi na kakain. Almost 7pm ng matapos akong magluto and I immediately took a bath and change into new sets of clothes. 7:30pm, nasa parking lot na ako ng building kung saan ang condo ni Miguel. Mabuti na lang talaga at hindi ako naabutan ni Kieran sa condo . Excited kong kinuha ang paperbag, laman nun ang niluto kong ulam at agad na bumaba ng kotse at nagtungo sa elevator. Nakapunta na ako sa condo niya pero isang beses palang iyon kaya medyo naeexcite padin ako hanggang ngayon. I already saw his gifts for me kanina at hindi ko mapigilang magsisi sa nagawang kasalanan. Miguel is very thoughtful. Kahit bago pa lamang kami ay never niyang pinaramdam sa akin na hindi siya seryoso sa relasyon namin. He always makes effort, and I just want to give it back to him. Gusto ko ding mag effort ngayon para sa kaniya. Habang nasa elevator ay biglang pumasok si Kieran sa isipan ko pero agad ko iyong pinagsisihan. Ipinilig ko ang ulo at huminga ng malalim. "Come on, Mia! Dapat ang boyfriend mo lang ang nasa isipan mo!" Saad ko sa aking sarili bago tuluyang lumabas ng elevator at tinungo ang mismong room ni Miguel. Magdodoorbell na sana ako pero napansin kong medyo bukas naman pala ang pintuan. Napangiti ako at napailing. My goodness! Him and his habit na ganito. Itinulak ko iyon ay tuluyan ng pumasok pero nagulat ako ng makitang sobrang kalat ng condo niya. I slowly walked around at napawi ang ngiti sa mga labi ng makakita ng pulang sandals katabi ng sapatos niya. May pumasok sa isipan kong posibleng nangyayari pero hindi ko iyon pinaniwalaan at iwinaksi agad. Impossible iyon! Nanginginig ang tuhod kong tinungo ang mismong kwarto niya. Wala naman kasi akong naririnig na kahit kaunting ingay eh. Dahan dahan ko iyong pinihit at napasinghap ng makita ang nasa loob. My boyfriend, Miguel.. with Shiela.. pareho silang nakahiga sa kama at nagyayakapan, walang saplot ang katawan nila bagamat natatabunan ng comforter ang kalahati ng kanilang katawan. Natulala ako at tumulo ang luha sa mga mata. Oh my god! Hindi ko kinaya ang nakikita kaya mabilis kong isinarado ang pintuan ng kwarto niya at patakbong lumabas ng condo. Ang mga luha ko ay walang tigil sa pag agos. Nakalimutan ko din ang dala kong ulam na inilapag ko kanina sa mini table niya sa sala. Napasabunot na lamang ako sa buhok dahil paulit ulit na pumapasok sa aking isipan ang imahe nilang dalawa na magkayakap at hubad baro. Nag iiiyak ako sa loob ng elevator pero ng maalalang nag cheat din naman ako sa relasyon namin ay natigil ang aking hikbi. Andrea is right, babaero nga talaga si Miguel. Umayos ako ng tayo at pinunasan ang mga luha sa pisngi. I shouldn't shed any tear. And now, I shouldn't be guilty sa nagawa ko with Kieran. Patas lang kami. We're both cheaters, huh? Hindi naman masakit ang puso ko eh, masakit lang ang ego ko dahil pinagtanggol ko pa talaga siya kanina. And willing akong bumawi at makipag compensate sa nagawa kong mali kagabi. Good thing na nalaman ko agad para naman hindi ako magmukhang tanga at araw araw na maguilty. Nang kumalma ako ay pinindot ko muli ang floor kung nasaan ang kwarto niya. I need to get some proof that he's cheating. Isasampal ko sa mukha niya. Magloloko na nga lang, mahuhuli pa. Bumalik ako sa room niya at kinuhanan sila ng litrato. Walang kaemo emosyon akong naglakad papalabas ng condo niya and of course kinuha ko din ang paperbag na dala ko kanina. There's no way na makakatikim siya ng luto ko! Wala pang lalaki ang nakakatikim nito at siya dapat ang una, but then he's not worth it. Dala dala ang paperbag, confident akong lumabas ng elevator at dumiretso sa kotse. Pinaharurot ko iyon papunta sa isang bar. I just want to celebrate. Hindi dahil nacheatan ako, kung hindi dahil maiiligtas ko ang sarili sa ganoong relasyon. It's been what? 1 week since naging boyfriend ko siya? Kudos sa kaniya dahil napaniwala niya pala akong nagbago na siya. He's a great actor I'll give him that. But he's not a great cheater dahil mabilis ko siyang nahuli. Tsk. Gusto niya iseminar ko pa siya eh para sa susunod na magloko siya, tumagal naman ng isang buwan. "What a shame!" napapangisi kong sambit at agad na pinark ang kotse sa labas ng isang exclusive bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD