KABANATA 4

1516 Words
"Let's clean you up." kapagkuwan ay sambit niya matapos ang ilang minutong katahimikan na namayani sa aming dalawa. Napanguso ako at hindi na nagsalita. Umupo ako sa kama at pinanuod ang likod niya dahil nagtungo na siya sa banyo. Kagat labi kong pinanuod ang pagpupunas niya sa aking kaselanan gamit ang basang bimpo. "Thank you." mahina kong usal pagkatapos niya akong punasan. "Matulog kana ulit. It's already 1am, baby." baritono niyang saad. "Wala namang pasok buka—" "May group work kayong gagawin, Clarisita. Baka nakakalimutan mo." napatigil ako dahil sa sinabi niya. Shit! Oo nga pala. May lakad kami bukas para sa gagawin naming business proposal napagplanuhan naming mag brainstorming. Nakalimutan ko pa talaga iyon! "Timatamad akong pumunta." saad ko at isinuot ang robang nakaumang na sa akin. Tumaas ang kaliwang kilay niya. "You want to stay here?.. with me?" nakangisi niyang saad kaya nakaramdam ako ng hiya. This is so not me. Palagi akong gumagala at hindi napepermi sa bahay dahil ayaw kong nakikita siya but now, it seems like... damn! "Hindi ko sinabing hindi ako pupunta, sabi ko tinatamad lang." saad ko na lamang at tinalikuran na siya. Agad akong humiga sa kama at ipinikit na ang mga mata. I am actually expecting him to go out after he's done with what he's doing pero nagulat ako ng tumabi siya sa akin sa kama. "You should go back to your room, Kieran." inaantok kong sambit. "Bakit? Uncomfortable ka ba na katabi ako?" mahina niyang tanong at inayos pa ang aking buhok. Napanguso ako dahil sa ginagawa niya. "Hindi naman... goodnight, then." sambit ko na lamang. "Goodnight, Clarisita. Please dream of me tonight." tugon niya at naramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking noo bago ako tuluyang kinain muli ng antok. Nang magising ako ay wala na akong katabi sa kama. Oh well, Kieran is really a morning person. Sa dalawang buwan niyang kasama ako ay palagi ko siyang naaabutan sa kusina o di kaya sa living room pagkagising ko. Palagi talaga siyang nauunang magising sa akin. "Hayyy!" bulalas ko habang may ngiting nakapaskil sa mga labi. I'm in a good mood today! Sobrang gaan ng feeling ko and I can feel my energy! Agad kong ginawa ang aking morning routine bago lumabas ng kwarto. Siyempre kasama na doon ang pagligo ko no! Alangan namang hindi ako maligo? No way! Huminga muna ako ng malalim bago naglakad patungong kusina. Wala siya sa living room eh so I assumed na nasa kusina siya pero to my dismay ay wala akong naabutan doon maliban sa isang note na nakadikit sa reef. 'Eat up. I cooked your breakfast. — K' Iyon ang nakasulat sa note. Napabuntong hininga na lamang ako at nilukot iyon bago itinapon sa basurahan. My mood immediately switch into gloomy. I don't feel like eating anymore kaya nag cereal nalang muna ako. "Saan kaya siya nagpunta? It's still 6 in the morning." sambit ko sa aking sarili bago sinimulang kainin ang cereal. After eating, bumalik ako sa room ko at saktong naabutan ang phone na nagriring kaya agad ko iyong sinagot. "Raine!" bati ko sa kaibigan. "Oh my god, Mia! Kakagising ko lang and I remembered na hindi ka namin mahanap kagabi. Where are you now? Are you fine? My gosh! Hinahanap ka namin specially Miguel! Nag alala kami sayo!" bulalas ni Raine sa kabilang linya. Agad akong nakaramdam ng guilt sa loob dahil hindi ako nakapag paalam sa kanila kagabi. "I'm fine, Raine. Naka uwi ako ng condo kagabi, thanks for your concern and I'm so sorry! Goshh!" paghinga ko ng paumanhin. "It's okay, I'm just glad you're fine. Anyways, tuloy ba ang lakad natin ngayon?" sambit niya sa kabilang linya. "I think so, gusto mo bang daanan kita diyan sa condo mo?" pag ooffer ko. Peace offering sa hindi ko pagpapaalam kagabi. "Yes please. Ngayon palang kasi aayusin ang car ko eh. Thank you! I'll just get ready, see you!" napangiti ako sa sinabi niya bago nagpaalam na dahil magreready na din ako. Hanggang sa makaalis ng condo ay hindi ko nasilayan ang pagmumukha ni Kieran. And it supposed to be fine, pero may inis akong nararamdaman. Ni hindi man lang siya nagsabi kung saang lupalop siya nagpupunta! 'Bakit? Boyfriend mo ba siya para sabihan ka niya?' Mas lalo akong nainis dahil sa pumasok sa isipan. Aishhh! I am already driving my way to my friend's condo ng mag ring ang cellphone ko. Natigilan ako ng makitang si Miguel iyon. Oh f**k! Why am I thinking about another man and not my boyfriend?! Madiin aking napapikit at konompose ang sarili bago sinagot ang tawag ni Miguel. "Mia! Oh goodness! Thank god sinagot mo na!" rinig kong boses niya sa kabilang linya. "Hi—" "I'm so sorry about last night, babe. I'm really sorry. Hinanap kita but—" "It's okay, Migz. Nakauwi naman ako ng safe, sorry kung hindi ako nakapagpaalam." saad ko at napangiwi. Nawala na din talaga sa isipan ko iyon dahil sa nangyari at naramdaman kagabi. "Did you like my girft, babe? I hope you like it." rinig kong wika niya. "Oh no! I'm not in my condo, migz! I'm on my way to Raine's place baka walang mag recieve nun." I said and Kieran immediately popped inside my head, mabilis ko iyong winaksi at mas nag focus sa boyfriend ko. "What do you mean? Kakatawag lang ng pinadalhan ko na may nag recieve na eh." I heard him say. Agad na kumabog ang dibdib ko. f**k! Baka si Kieran ang nag recieve ng gift! "Oh, siguro ang ano, ang katabi kong condo since medyo close kami nun. Thank you, Miguel." Sambit ko na lamang . Halos palakpakan ko na ang sarili ng hindi man lang mautal. Babawi ako sa kaniya after ng brainstorming namin— nila lang pala dahil storming lang ambag ko, wala akong brain. Eme! Nagpaalam na din ako kay Miguel ng makarating sa parking lot ng condo ni Raine. Hindi ko na need bumaba ng kotse dahil agad ko siyang nakita. "We're already late, Mia! Nabasa mo na ba ang chats ni Sofia sa gc? My god! She's angry na dahil dalawa palang daw sila doon! We need to hurry!" bungad niya pagkapasok sa kotse ko. Agad na umikot ang eyeballs ko. "Naka mute ang gc natin sa messenger ko kaya hindi ko nabasa." sambit ko na lamang at pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay ng leader ng group namin na si Sofia. "Ano pa nga bang ieexpect namin sayo? Hmp!" rinig kong sambit niya na ikinatawa ko. "Wala din naman tayong maiiambag doon eh! Ganda lang!" pag rereason out ko. Because honestly, wala akong idea sa kung anong plans nila. "Gaga! Meron kaya! Moral support hihi" singit naman ni Raine at sabay kaming natawa. Pagdating namin sa bahay nila Sofia ay hindi na madrawing ang mukha niya. "Ang tagal niyo! Kanina pa kami dito!" asik niya at umirap. "Sorry, traffic eh. Anyways, anong pwede naming itulong?" saad ko at napangiwi. Lima kami sa group at kami pala ni Raine ang nahuli. Kasalanan naman ng traffic talaga! Natagalan ako sa biyahe eh! "Eto, icut niyo lahat ng pictures na yan dahil gagamitin natin yan sa designs. Bawat isa sa atin dapat may copies nito ha? Then basahin niyo to at kailangan niyong mamaster para smooth ang presentation natin sa monday." salaysay ni Sofia na ikinanguso ko. Paano namang hindi ako mapapanguso eh ang dami ng dapat icut! Hinila na ako ni Raine sa couch upang makapagsimula na kami. Nagkanda haba haba ang nguso ko maghapon. Dito na rin kasi kami nagtanghalian dahil hindi pa natatapos ang ginagawa naming presentation. "Mia, pakibuksan naman oh, ikaw naman ang pinakamalapit eh." pakiusap ni Sofia ng may marinig kaming tao sa labas ng bahay nila. Tahimik akong tumayo at nagtungo sa pintuan at halos magwala ang puso ko ng mapagbuksan si Kieran. "What the hell are you doing here?!" mahina kong saad at nanlaki ang mga mata. Mabilis akong lumabas at sinarado ang pintuan sa likod. "Look Kieran. What happened last night, it's all a mistake at wala lang iyon okay? You shouldn't —" "Clarisita—" "No Kieran! Kalimutan na natin iyon because it doesn't mean anything to me okay? Kaya umuwi kana—" "Kieran? Uy pare! Mabuti naman at nandito kana, kanina pa kami naghihintay sayo. Pasok ka, Mia papasukin mo bisita ko iyan." napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ang sinabing iyon ni Calyx ang nakakatandang kapatid ni Sofia. Naguguluhan ko silang tiningnan. "We're friends, Clarisita." mahinang sambit ni Kieran, walang kangiti ngiti ang kaniyang gwapong mukha. Napalunok tuloy ako bigla. s**t! I thought... he's here for me. Fuck! Kung ano ano pa talaga ang sinabi ko! Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi at mabilis na tinalikuran si Kieran, pero bago ako makapaglakad ay hinawakan niya ang braso ko. "Sa susunod.." seryoso niyang bulong at pinabitin pa talaga! Napigilan ko ang aking paghinga ng pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan. "Sisiguraduhin kong hindi mo na gugustuhing kalimutan iyon." pagpapatuloy niya na ikinatayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD