"Tulog pa ba 'yan?" tanong ni Damon. Nasa kwarto sila ni Dos ngayon, dinala nila ang lalake sa kwarto nito pagkatapos nitong himatayin. Kararating pa lang nila galing Amerika at dumiretso na sila sa mansion ng mga Coloner.Alam ng mga ito na darating sila dahil tinawagan na ng kan'yang tita Cathlea ang mga magulang ni Dos bago pa man sila umalis sa Amerika. Ang anak niyang si Bella ay nakatulog na't dinala sa guest room. Para sa kan'ya nakakainip ang maghintay, six months is too long pero iniisip niyang mas makakabuti iyon para sa kalusugan niya. Kanina nang dumating sila sa mansion ay agad na niyang pinuntahan si Apollo sa kwarto nito. Hindi naman nakalock ang pinto kaya nakapasok siya kaagad. Hindi na muna niya binuksan ang ilaw sa loob, may maliit na lamp shade naman ang nakabukas

