"Merry Christmas everyone!!"bati ng mommy niya sa kanila. Naroon sina Alas, Quatro, Zeronia Tresh sa mansion. Tuwing pasko ay nagsasama sama sila. Napakasaya ng kan'yang mga anak dahil napakaraming regalo ang natanggap ng mga ito galing sa lolo at lola pati na rin sa mga tito at tita. Napakakulit at napakasaway ng kan'yang mga anak. Ang boses ng mga ito ay pumupuno sa bawat sulok ng mansion. Ang gugulo ng mga quads lalo na't spoiled ang mga ito sa lolo at lola at sa kan'ya rin. Napapangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Hanggang ngayon ay may nakatoka pa ring bantay sa bawat bata, sa tindi ng energy ng mga ito ay talagang hindi kakayanin ng isang bantay lang. Magana nilang pinagsasaluhan ang mga nilutong ulam ng mommy niya.Masasarap ang mga ulam at desserts kaya ang qua

