Kinabukasan, pagkagising ni Carly hindi na naabutan niya si Zandro sa hapag kainan dahil umalis na raw ito at tumungo sa trabaho. "Ayaw talaga ako kausapin ng amo ninyo, manang, text mo ako ha kapag nakauwi na si Zandro," saad ni Carly sa katulong Zandro at binigay dito ang kanyang personal number. "Ipapasyal ko lang ang mga anak ko sa Mall, kapag hinanap kami pakisabi na lang na sinama ko ang dalawa sa Mall. Alis na kami ha," paalam ni Carly. Masayang masaya si Carly habang kasama niya ang mga kanyang anak lalo na si Prince dahil gusto niyang bumawi dito. "Enjoy ba anak? Sige lang, kuhanin mo lang kung anong gusto mong kunin at bibilhin ni mommy," saad ni Carly kay boy Prince, nag aalangan kasi itong tumingin sa gustong bilhin. Alam niyang nabibili na ni Zandro ang pangingiilang

