"Zandro... Pwede ba tayong mag usap?" saad ni Carly ng maabutan niya si Zandro sa may labas ng kwarto. "Para saan?" malamig na tugon nito. "Para sa mga bata, ayaw ko naman na masayang ang pagpunta ko dito gusto ko maging malinaw ang lahat." Lumapit si Carly kay Zandro. Hindi na napigilan ni Carly na sundan ito pagkatapos nitong tumungo sa kwarto nila. "Bukas na, pagod ako at gusto ko ng matulog. Matulog ka na rin," tanging tugon ni Zandro. "May pupuntahan kasi ako bukas kaya wala ako, kaya gusto ko ngayon na. Please... Saglit lang," paki usap ni Carly. Pero ang totoo wala naman siyang pupuntan, gusto lang talaga niya makausap ngayon si Zandro. "Nag usap na tayo diba kanina? So, ano pa ang dapat nating pag usapan ngayon?" Kumunot ang noo ni Zandro na humarap kay Carly. "Umalis

