chapter 2

1531 Words
"Kumusta anak? Ok ka lang ba? Maayos ba ang panganganak mo?" sunod sunod na tanong ng ina ni Carly sa kanya. "Ok lang po ako inay, ok na ok ako. Mabuti naman po nakapunta kayo dito ngayon sa akin sino po nagsabi sa inyo na manganganak na ako ngayong gabi?" pabalik na tanong ni Carly sa kanyang ina. "Si kumare, tumawag nga raw si Zandro na narito na kayo sa hospital at mganganganak kana. Ayon pinuntahan ako sa bahay para sabihan. Kaya ito, sumama ako." Hinaplos ng ina ni Carly ang kanyang pisngi. "Pasensya na inay dahil hindi ako nakatawag sa inyo agad. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kanina kaya ayon nawala sa isip ko ang tawagan kayo," saad ni Carly. "Ok lang anak naiintindihan ka namin," tugon ng kanyang ina. "Naku, tulad namin tiyak na sabik na sabik ang itay mo na makita ang kanyang unang apo," masayang saad naman ng ina ni Zandro. Napangiti naman si Carly sa sinabi ng ina ni Zandro. Natigil naman ang kanilang pagkukwentuhan dahil sa iyak ng sanggol kaya agad pinadede ni Carly ito. Hindi naman alam ni Carly ang kanyang unang gagawin para pa dedehin ang bata dahil sa first time mommy aligaga siya sa kanyang unang anak. Mabuti na lang at naroroon ang mama ni Zandro at ang kanyang ina para gabayan siya sa kanyang dapat gawin. Dahil siguro sa pagod at tumahan na rin ang bata nagpasya si Carly na umiidlip muna ng bahagya. ****** Nagising si Carly sa hilik ng kanyang ina kaya napangiti na lang ito habang pinagmamasdan ang kanyang ina na masarap na natutulog. Nag iisang anak lang si Carly, at maituturing siyang miracle baby dahil sa tagal na panahon siyang binigay ng Panginoon sa kanyang magulang kaya mahal na mahal siya nito at ganoon din siya sa kanyang magulang. Kaya noong nalaman niyang nagdadalang tao siya at nagbunga ang isang gabi na mali kung maituturing sa paggitan nila ni Zandro. Dahil sa kagustuhan niyang maangkin ang binata dahil labis niya itong hinahangaan ay nagkamali siyang ipaubaya dito na ibigay ang kanyang dangal. "Inay, pasensya na kung sobra ko kayong na disappoint at nabigyan ng kahihiyan kayo ni tatay. Dahil sa sobrang pagamamahal ko sa lalaking hindi ako ginusto ay nabulag ako, nagkamali ako, hanggang ngayon nahihiya akong ipakita sa inyo ang mukha ko dahil sa pagkakamaling nagawa ko. Pero, ito na wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang nangyari, napakabuti ninyong magulang sa akin pero ito lang ang naisukli ko sa inyo, nabuntis at hindi pa pananagutan ng ama kundi ang anak lang niya. Hiyang hiya ako inay, dahil mula pagkabata wala kayong ibang ginawa kundi iparamdam sa akin na mahal na mahal ninyo ako ni itay. Pero sa pagkakamaling nagawa ko may maganda rin naman na nangyari dahil may dumating sa atin na munting anghel si Prince Zandro, na hindi ko alam kung hanggang kailan ko lang siya makakasama." Haplos haplos ni Carly ang pisngi ng kanyang ina habang may mga luhang tumutulo sa kanyang mata. "Inay, hindi ko alam paano ko sasabihin sa inyo na nagawa kong pumayag na ipaubaya kay Zandro ang anak namin at alisan ako ng karapatang maging ina upang mapalaki siya ng maayos, wala akong laban inay dahil sa empluwensyang meron si Zandro," muling saad ni Carly habang pinagmamasdan ang kanyang ina na masarap pa rin na nakatulog. Hindi pa rin kasi masabi sabi ni Carly sa kanyang magulang ang totoong usapan nila ni Zandro ukol sa bata. Napag usapan lang naman nila na matapos ipanganak ni Carly ang bata ay iiwanan na ni Carly ito kay Zandro at hinding hindi na siya pa magpapakita dito hanggang sa paglaki at mag kaisip ito. Muling naalala ni Carly ang usapan nila ni Zandro ilang buwan ang nakalipas. ****** Months ago ***** "Hindi ako nakikipag usap ngayon sa iyo Carly para panagutan ka dahil sa nabuntis kita, tandaan mo Carly, kapwa tayo lasing ng gabing iyon at dahil sa alak kaya ko nagawa sa iyo ang mga bagay na hindi naman dapat. Pero, hindi pa rin ako kumbinsido na akin talaga ang batang iyan na dinadala mo kaya pagkapanganak mo ay agad kaming mag papa DNA test upang masuri na akin talaga iyan at doon ko lang siya masasabing anak ko kapag nag positibo," seryusong saad ni Zandro ng kausapin siya ng sarilinan matapos mag usap usap ang kani-kanilang pamilya. Ang akala ni Carly na ang pakikipagharap ni Zandro sa kanilang pamilya matapos malaman na siya ay buntis at si Zandro ang ama ay magiging ok na ang lahat pero nagkakamali siya dahil doon pa lang pala mag uumpisa ang kanyang kakaharaping pagpapahirap na gagawin ni Zandro sa kanya. "Akala ko hindi ka lang gwapo Zandro kundi matalino rin, nagkamali ako dahil gwapo lang ang meron ka pero wala kang utak. Unang una, dapat alam mo na iyo talaga ang batang ito na dinadala ko, dahil alam na alam mong ikaw ang unang lalaking umangkin sa buong pagkatao ko," tugon ni Carly at halos mangatal na siya sa gigil sa galit kay Zandro. "Seriously? Oo, ako ang unang lalaki na umangkin sa iyo pero paano kung matapos na may mangyari sa atin meron ibang lalaki muli ang umangkin sa iyo? At iyon talaga ang ama ng anak mo. At dahil patay na patay ka sa akin, di sa akin mo ipapa angkin ang anak mo para makuha mo ako? Di kawawa naman ako diba?" Ngumisi si Zandro sa kanya. Isang malakas na sampal ang ginawa ni Carly kay Zandro, pero hindi iyon ininda ni Zandro. "Ang kapal kapal ng mukha mo para pagsalitaan ako ng ganyan. Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin?Sayang, sayang ang paghanga ko sa iyo Zandro mula pagkabata natin na akala ko mabait at mapagmahal kang tao pero hindi pala. Kaya ito, nagsisi na ako na hinangaan kita at minahal kita ng sobra mula pa nang nagkaisip tayo," saad ni Carly habang pinupunasan niya ang kanyang luha sa pisngi. "Mas maganda, mas masaya kung ganyan ang sasabihin mo sa akin ngayon, ang nagsisi ka na nagustuhan mo ako. Mas ipagpapasalamat ko pa nga na sana huwag mo na akong pangarapin pa at mahalin." Muling ngumisi si Zandro. "Carly, sa ngayon tanging maitutulong ko lang sa iyo ay ang alagaan at dapat nasa maayos iyang bata na dinadala mo. Sasama ka sa akin sa Manila at doon mo ipanganganak ang anak ko kung totoo man. Pero, ngayon pa lang sasabihin ko na sa iyo, oras na mapatunayan ko na anak ko talaga iyang nasa sinapupunan mo ako lang ang dapat magpapalaki sa kanya at wala ng iba, naiintindihan mo ba?" Hinawakan ni Zandro ang baba ni Carly. "Ang sama mo! Wala kang kasing sama!" singhal ni Carly kay Zandro. "So, anong gagawin ko? Pakakasalan kita, gagawin kitang asawa ko? Ano, sabay tayong magpapalaki sa bata at magsasamang parang tunay na mag asawa na nagmamahalan? No way, huwag ka ng mangarap dahil hinding hindi iyon matutupad. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, pagkapanganak mo iiwan mo sa akin ang anak ko at ayaw kong makasama kapa niya ng matagal. Naiintindihan mo ba? Wala ka naman magagawa kundi sundin ang gusto ko Carly!" Muling hinawakan ni Zandro ang baba ni Carly, pero sa pagkakataong iyon madiin ang pagkakahawak ni Zandro at halata sa mata nito ang gigil at galit sa matang nakatitig kay Carly. ********* Nabalik sa ulirat si Carly ng pumasok sa kanyang kwarto ang ina ni Zandro na may dalang Iba't ibang uri ng prutas at iba pang pagkain. "Iha kumain kana muna para maibalik mo iyang lakas na nawala sa iyo dahil sa panganganak mo." Naghiwa at nagbalat ng prutas ang ina ni Zandro at ibinigay ito sa kanya. "Salamat po," saad ni Carly. Doon naman nagising ang kanyang ina at tumulong ito sa paghahanda ng kanyang kakainin. Kakatapos lang niyang kumain ng dumating si Zandro at may bitbit din itong sari saring prutas at pagkain. "Carly, binilhan pala kita ng iyong damit na masusuot. Pasensya na dahil sa kakamadali nating kagabi ay nakalimutan kong dalhin ang personal na pangangailangan mo at ang tanging nadala ko lang ang pangangailangan ni baby," saad nito at inabot sa kanya ang isang paper bag. "Salamat," tugon ni Carly at ngumiti ito sa binata. Hindi man tumugon sa kanyang ngiti si Zandro ay masaya na rin si Carly dahil naramdaman niyang kahit papaano ay may kunting concern sa kanya si Zandro. "Anak narito kana pala. Ang sabi pala ng doctor ni Carly kahit bukas na bukas daw pwede nang ilabas si Carly, dahil maayos at wala naman kahit anong kumplikasyon si Carly at healthy na healthy naman si baby ay pwede na silang ilabas mag ina," saad ng ina ni Zandro. "Salamat po Ma, ahm.. Maiwan ko po muna kayo dahil aasikasuhin ko muna ang dapat asikasuhin dito sa hospital upang paglabas nila bukas ay wala nang problema," saad ni Zandro at agad itong lumabas ng silid. Pinagmamasdan ni Carly ang kanyang anak sa kanyang gilid at paulit ulit na hinahalikan. Gusto pa niya itong makasama ng matagal na matagal pero hindi iyon mangyayari dahil kasunduan nila ni Zandro na iiwan niya ito dito matapos niyang ipanganak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD