Chapter 3

1595 Words
"Hi, ready kana? Sila mama at tita nasa labas na. Ahm.. Ako na magdadala kay baby palabas dito sa hospital," saad ni Zandro at agad nitong kinuha ang kanilang anak. "Salamat," tanging tugon ni Carly. Inilalayan naman siya ng nurse kaya hindi siya ganoon nahirapan maglakad bukod doon kayang kaya naman niya ang kanyang sarili. Pagkarating nila sa condo ni Zandro agad siyang inasikaso ng ina nito, pinagluto at pinakain. Tinulungan at tinuruan din siyang asikasuhin para magpalit ng diaper ang kanilang anak. "Kapag mommy kana talaga walang mahirap matutunan para sa iyong baby, mabuti na lang at hindi iyakin itong apo ko kaya hindi ka mahihirapan," saad ng ina ni Zandro na pinapakita sa kanya kung paano ibalot ng maayos ang pusod ng bata. Maghapong pinagmamasdan lagi ni Zandro ang kanilang anak at paulit ulit niya itong hinahagkan. "Siguro ngayon tanggap mo na anak mo talaga iyan Zandro, siguro ramdam mo na totoong anak mo iyan Zandro. Ang sarap ninyong pagmasdan bilang mag ama ang saya saya ko ngayon at sana hindi na ito matapos pa," bulong ni Carly sa kanyang isipan habang nakatingin kay Zandro. "Alam mo si Prince Zandro at Zandro walang pinagkaiba. Ganyan na ganyan si Zandro noong baby pa siya hindi mo maririnig ang kanyang iyak kung hindi siya hihingi ng dede dahil nagugutom. Kaya nga noong first time mommy ko hindi rin ako nahirapan," saad ng ina ni Zandro na lumapit at tumabi sa kanyang kinauupuan. "Sana nga po hindi siya magbago ganyan pa rin siya kabuti at kabait." Napangiti si Carly habang pinagmamasdan ang mag ama. Hindi alam ni Carly kung sino ba ang tinutukoy niya na gusto niyang hindi magbago ang kanyang anak na hindi iyakin, o ang ama nito na nagbago ang pakikitungo sa kanya mula nang nanganak siya. Ramdam kasi ni Carly na naging magaan ang pakikitungo sa kanya ni Zandro buhat noong inilabas niya ang kanilang anak. Matapos ang kanilang hapunan ay agad nagpasya ang kani-kanilang mga ina na magpapahinga na dahil sa pagod sila sa binayahe nila mula Lucena at puyat sa pagbantay sa kanila ng nasa hospital sila. Matapos asikasuhin ni Carly ang kanyang anak agad naman siyang sumunod upang sama sama sila sa kwarto na matulog. "Carly, saan ka pupunta?" tanong ni Zandro kay Carly nang makita niya itong papasok sa kabilang kwarto. "Ahm.. Matutulog na sana, bakit?" tanong din ni Carly kay Zandro. "Sila mama at tita na diyan matutulog dito na kayo sa kwarto ko, malawak naman ang kama ko. Akina si baby," seryusong saad ni Zandro at kinuha ang kanyang anak at ipinasok sa loob ng kwarto nito. Hindi alam ni Carly na totoo ba ang kanyang narinig buhat kay Zandro. Papatulugin siya sa kwarto nito? Eh kahit nga silip dati hindi niya magawa dahil nagagalit si Zandro sa kanya kaya takang taka siya ng sabihin nitong sa kwarto niya sila matutulog mag ina. Umikot ang mata ni Carly sa paligid ng kwarto ni Zandro, sa ilang buwan kasi niyang pananatili sa condo nito ay ngayon lang siya nakapasok sa kwarto nito. Mas malawak, mas maganda at mas malamig ang paligid na dulot ng air-con kumpara sa naging silid niya. "Akala ko ba matutulog kana? Bakit nakatayo kapa diyan?" tanong ni Zandro kay Carly. "Ahm.. Pasensya na. Nagandahan kasi ako sa kwarto mo," tugon ni Carly at agad itong humiga sa kama katabi ang kanyang anak. Hindi naman muling nagsalita si Zandro at tiningnan lang siya nito ng seryuso. Inaayos din nito ang pagkakahiga ng kanilang anak na nilagay nito sa pagitan nilang dalawa. Malaki at malawak ang kama ni Zandro, dahil kasyang kasya silang tatlo at may space pang natitira. Hindi agad nakatulog si Carly nang pagkakataong iyon dahil sa nakatabi niya si Zandro, tila ba naiilang siyang makasama ito sa iisang kwarto. Nang maramdaman niyang nakatulog na ito ay tumagilid siya at naluluhang pinagmamasdan ang kanyang anak lalo na si Zandro. "Ang sarap ng pakiramdam ng ganito anak, ang sarap ninyong pagmasdan na nakatabi ko kayo sa unang gabi natin dito sa condo. Walang pagsidlan ang kasiyahan ng aking puso ngayon, sana ganito tayo palagi at hindi mangyari ang aking inaasahan na mangyayari na iiwan ko kayo at magpapakalayo layo ako." Hinaplos ng bahagya ni Carly ang pisngi ni Zandro at hinagkan ang noo at pisngi ng kanyang anak kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Napapikit si Carly at niyakap ang kanyang anak habang patuloy na umaagos ang kanyang luha. Nakaramdam ng antok si Carly at agad siyang nakatulog. Sa loob dalawang araw na pananatili ng ina ni Zandro at ang kanyang ina sa condo ay hindi nagbago ang pakikitungo ni Zandro sa kanya. Nanatili ang magaan na pakikitungo nito at pinaparamdam na mahal na mahal nito ang kanilang anak. "Zandro, Carly, mag iingat kayo dito ha. Zandro, huwag mong bibigyan ng sama ng loob o pasasamain ang loob ni Carly, masama iyon lalo na bagong panganak siya at first time mommy. Baka maranasan niyang mag karoon ng postpartum depression mahirap na," bilin ng ina ni Zandro sa kanila. "Anak, huwag pabayaan ang sarili ha? Kumain palagi sa tamang oras, at huwag magpapagod. Zandro, alagaan mong mabuti ang mag ina mo tawagan ninyo ako, kami ni kumare kung ano man ang maging problema dito," saad naman ng ina ni Carly. "Salamat po, inay mag iingat ho kayo." Humalik sa pisngi si Carly sa dalawang ina bago ito tuluyang umalis. Wala naman naging tugon si Zandro sa bilin ng dalawa at tanging ngiti lang ang naging tugon nito. Inilapag ni Carly ang kanyang anak sa higaan nito sa baby bed nest na ipinatong niya sa malapad na sofa. Binili ito kamakailan ni Zandro, kaya tuwang tuwa si Carly sa efforts na pinaparamdam ni Zandro sa kanyang anak. Lahat yata ng pangangailan at gamit ni baby prince ay bago at lahat meron ito, nagmukha na ngang kwarto ng kanilang anak ang kwarto ni Zandro. "Anong gagawin mo?" seryusong tanong ni Zandro sa kanya nang makita siyang iniwan niya ang kanilang anak. "Magluluto na sana," tugon ni Carly. "Ako na ang magluluto bantayan mo na lang ang anak mo," muling seryusong saad nito. Kaya napatigil si Carly at bumalik sa kanilang anak. Pinagmamasdan na lang ni Carly si Zandro habang abala ito sa pagluluto ito ang unang beses siyang ipinagluto ni Zandro, dahil noong naroroon pa ang kanilang ina iyong dalawa palagi ang abala sa kusina. Nang matapos itong magluto ay agad naman siyang ipinaghain at pinakain pero nanatili itong seryuso at walang balak magsalita habang sila ay kumakain. Masaya na si Carly sa ganoong sitwasyon, atlest ngayon pinagluluto na siya at pinag hahain kasabay na rin kumain hindi tulad dati na lagi siyang sinisigawan at parang ayaw laging makita. "Aalis pala ako ngayon pagkatapos kumain. Pupunta ako sa coffee shop ko, ilang araw na rin kasi akong hindi nakakabisita doon baka ano na ang naging problema tawagan mo na lang ako kung sakaling may maging problema dito baka kasi gabihin akong umuwi," saad ni Zandro sa kanya at agad itong tumayo. May inabot din itong kapiraso ng papel sa kanya. "Number? Ito na ba ang personal number niya?" tanong sa isip ni Carly na basahin niya ang nakasulat sa papel. Sa loob kasi ng ilang buwan na pananatili niya sa condo nito at pagsasasama nila kahit kailan hindi niya alam kung anong cellphone number nito. Dahil tanging messenger lang ang umuugnay sa kanilang dalawa tanging f*******: lang sila mutual friends nito bukod doon wala na. Mabilis lumipas ang isang linggo at walang nagbago sa pakikitungo sa kanya ni Zandro magaan man pero nanatiling malamig at parang para sa bata lang niya ito ginagawa. Naroroon pa rin sila sama samang natutulog sa iisang kwarto at pabor na pabor iyon kay Carly dahil iniisip niyang gusto nitong makasama lagi sa pagtulog ang kanyang anak. Hanggang isang gabi ang muling magpapabago sa masayang nararamdaman ni Carly na may isang folder na inabot sa kanya si Zandro. "Ano 'to?" tanong ni Carly. "Basahin mo, hindi kaba marunong magbasa?" tanong din ni Zandro sa kanya. Halos durugin ang puso ni Carly nang pagkakataong iyon dahil sa kanyang nabasa sa nilalaman ng folder na ibinigay sa kanya ni Zandro. Authorization na nagpapatunay na pumapayag siyang ipa DNA ang kanyang anak, mayroon din mga papeles doon na kuntrata na kapag napatunayan niyang anak nga ni Zandro si baby Prince ay malaya niyang iiwan ang kanyang anak sa poder ni Zandro. "Bakit parang nagulat ka? Hindi ba iyan naman ang ating napag usapan bago kita isinama dito?" seryusong tanong ni Zandro. Hindi napigilan ni Carly na mapaiyak kaya agad siyang tumungo sa comport room at doon binuhos ang kanyang mga luha. "Ang akala ko magiging ok na ang lahat, ang akala ko na ipinapakita mong pag aalaga sa amin ng anak ko tanggap mo na kami at mag sasama na tayo na parang tunay na mag asawa hindi pala. Hindi pa pala nababago ang isip mong ipamukha sa akin na nag dadalawang isip kapang angkinin ang anak mo, at lalong hindi pa rin nagbabago ang isip mo na kunin sa akin ang anak ko," sambit ni Carly sa kanyang isipan habang patuloy na umaagos ang kanyang luha. "Ang lahat pala ng ipinapakita mo sa akin, sa amin mula nang pagkapanganak ko ay pakitang tao lang. Ang sama mo Zandro, gusto kitang labanan sa pagkakataong ito pero paano?" Hampas hampas ni Carly ang kanyang repleksyon sa salamin. Mayaman ang angkan ni Zandro at kahit lumaban siya tiyak ang pagkapanalo nito pagdating sa custody ng bata. Kaya ang nagawa na lang ni Carly ang umiyak ng umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD