"Salamat iha ha," saad ng ama ni Zandro kay Carly. "Salamat po para saan?" tugon ni Carly. "Kasi, napapayag mo ang anak kong matulog dito. Maraming beses akong nag request sa kanya na pumasyal man lang dito sa mansion, pero lagi na lang siya may dahilan. Ngayon ko lang ulit nakasama ang anak ko, at salamat sa iyo. Dati kasi kung hindi pa ako papasyal sa kanya, hindi ko siya makikita," saad ng ama ni Zandro. "Don't worry po, kukumbinsihin ko si Zandro na dumito muna kami hangga't hindi pa nakakapag patayo ng sarili naming bahay para naman makasama ninyo pa si Zandro, lalo na si baby Prince," tugon ni Carly. Ramdam ni Carly ang saya sa mukha ng ama ni Zandro dahil napaluha pa ito sa kanyang pinangako. "Mukhang close na kayo ni daddy ah. Anong pinag uusapan ninyo? Ako ba?" seryusong

