Nagising si Zandro sa amoy ng chicken soup kaya napabalikwas agad siya sa kanyang higaan. Tiningnan ni Zandro ang paligid at nakita niya rin na malinis na ito. "Carly..." "Gising ka na pala, pinagluto kita ng chicken soup para mawala ang hang over mo, ang kalat kalat ng paligid mo anak, kaya ayan nilinis ko. Pasensya na kung pinakialaman ko ang mga gamit mo dito sa condo mo ha. Ang kalat kasi," saad ng ina ni Zandro. Ngumiti lang si Zandro at umupo na ito matapos kumuha ng plato para kumain. "Anak, nagsasalamin ka pa ba?" Napakunot ang noo ng ina ni Zandro habang nakatingin sa kanya. "Bakit po?" "Mukha kasing hindi eh. Anak, sayang ang kagwapuhan mo oh, kung hindi mo inaalagaan. Tingnan mo eyebag mo? Abot na hanggang pisngi, at saka may amoy ka na. Ligo ligo rin anak ha," saad n

