"Anong nangyari Zandro? Bakit ka nagkakaganyan? Anak, hindi naman ako nagkulang sa paalala sa iyo ah. Noong una kay Vivian, hindi ako kumibo dahil naiintindihan ko iyon bilang isang kabataan mo. Pero, ito ngayon kay Carly, anak hindi ikaw 'yan eh masyado naman naaapektuhan ang pagkatao mo lalo na ang kalusugan mo sobra na, awang awa na ako, kami sa iyo," saad ng ina ni Zandro ng makita niya si Zandro sa kanyang condo. Dito naglalagi si Zandro kapag gusto niyang mapag isa, at gusto niyang uminom ng uminom ng alak. Sa mansion kasi, madalas lang sila nagtatalo ng kanyang ama kaya minabuti niyang mag isa lang dito. "Ma... Iba si Carly kay Vivian eh, iba eh. Ma, si Vivian unang minahal ko lang siya kaya ganoon ako nasaktan ng niluko ako. Pero, ma, iba si Carly eh, bukod sa may anak kami eh b

