"Ikaw, bakit ang ganda mo pa rin kahit lumalaki na ang t'yan mo?" bulong ni Premo kay Carly. Kaya napangiti na lang si Carly sa sinabi ni Premo, limang buwan na ang nakalipas buhat ng naroroon siya nagtatrabho sa restaurant ni Premo, at sa loob ng ilang buwan na iyon naging mas malapit at naging magaan ang loob nila sa isa't isa. At tanging si Premo pa rin ang nakakaalam ng tinatagong sekreto ni Carly. "Hay naku sir, kaya tayo na chi-chimis eh, dahil masyado kang dikit ng dikit sa akin," tanging tugon ni Carly. "Hindi naman nawawala 'yan eh, ang pag usapan ng tao kung anong nakikita nila, kaya imbes na pagkakakitaan ang atupagin ang buhay ng iba ang pinagkakaabalahan. By the way anong ginagawa mo?" saad ni Premo. "Ahm... Wala, nag try lang ako magluto nitong paborito kong lutuin lagi

