Chapter 5

1146 Words
"Ito ang sample ng ipa D-DNA test mo kay Prince Zandro, ito rin ang papapeles na kailangan kong permahan tapos na," saad ni Carly, nang inabot na ang isang folder at isang white plastic kung saan naroroon ang sample ni Prince Zandro, para sa DNT test. "Good.. Akala ko hindi mo gagawin eh, mabuti naman at wala ka nang reklamo at marami pang sinasabi." Ngumisi si Zandro kay Carly nang kinuha ang inaabot nito. "Kahit naman lumuhod, mag makaawa, umiyak ako sa harapan mo na tanggapin kami wala rin naman silbi ito. Sino ba naman ako diba? Para lumaban sa iyo na alam ko naman na hinding hindi ako mananalo sa iyo," saad muli ni Carly. "Buti alam mo," seryusong saad ni Zandro. "Kumain ka na, may niluto akong masarap na pang dinner. Don't worry, walang lason iyon, hindi naman ako masamang tao na katulad mo," saad muli ni Carly, bago ito pumasok sa kanyang silid. Hindi naman tumugon si Zandro, bagos tumitig lang ito kay Carly bago pumasok sa kwarto nito. Agad naman siyang tumungo sa kusina upang kumain dahil nakaramdam na rin siya ng gutom. "Adobong baboy na may pineapple? Anong lasa nito?" Napakunot ang noo ni Zandro ng pagbukas niya sa platong nakahanda sa mesa. "Ahmm... Masarap ha," bulong ni Zandro, habang nilalasahan ang ulam na hinain sa kanya. Agad din naman siyang sumandok ng kanin sa kanyang plato, dinamihan niya ito dahil alam niyang mapapaasarap ang kanyang kain dahil sa masarap na ulam na niluto ni Carly. Busog na busog si Zandro ng gabing iyon. Bago siyang nagpasyang matulog, ay sinilip muna ni Zandro ang mag ina kung anong ginagawa ng mga ito. Nakita niyang mahimbing nang natutulog ang mag ina, kaya naisip niyang iwan na ang mga ito. Pero, parang ayaw pang humakbang ng kanyang mga paa na para bang may nag uutos sa kanyang puntahan ang bata upang hagkan ito. Napabuntong hininga si Zandro, bago ito lumapit sa bata at tahimik niya itong hinagkan sa pisngi at noo. "Hi, sarap ng tulog mo ha. Goodnight baby boy," bulong ni Zandro at bahagya pa itong napangiti. Napangiti si Zandro, dahil pakiramdam niya ay nawala ang kanyang pagod sa maghapong pagtatrabaho sa kanyang maliit na business ang coffee shop. Dahan-dahan sinara ni Zandro ang pinto baka magdulot ng ingay at magising ang bata. Simula kasi ng nagkasagutan sila ni Carly, ay hindi na sila magkasama sa iisang kwarto at kusang umalis ito sa kanyang kwarto at lumipat sa kabila. Matagal nakatulog si Zandro ng gabing iyon, dahil namimis niyang katabi ang bata. Nagigising man siya sa gabi dahil sa iyak nito, pero kahit kunti hindi siya nagalit o, nainis man lang dahil mas gugustuhin niyang marinig ang munting iyak nito na nagpapawala ng kanyang pagod. **************** "Anong ginagawa mo?" seryusong tanong ni Zandro kay Carly, naabutan niya kasi itong naghahanda ng almusal. "Nagluluto, ano pa ba sa tingin mo?" seryusong tugon naman ni Carly, habang tuloy-tuloy ito sa kanyang ginagawa. "Ginagawa mo ba iyan para hindi ko na ituloy ang napag usapan natin?" Kumunot ang noo ni Zandro bago ito umupo sa upuan. "No, wait ka lang diyan at patapos na itong niluluto ko. Sabi ni Collen, paborito mo rin daw ang sinangag na kanin na kapares ay ham at scramble eggs kaya ito ginawan kita." Bahagyang napangiti si Carly. At agad nilagyan nito ang plato sa harap ni Zandro ng sinangag na kanin. Binigyan din niya ito ng ham at scramble eggs sa isang platito na naka separate. Pinagtimpla rin niya ito ng coffee. "Para saan itong ginagawa mo?" muling tanong ni Zandro. "Wala, eh kase, wala rin naman akong ginagawa dito kaya ito nagluluto na lang ako. Hindi rin naman kasi iyakin si baby kaya ito, malaya akong kimilos. Siyangapala may mga dirty clothes ka ba d'yan? Huwag mo nang ipa laundry, dahil ako na ang maglalaba." Ngumiti si Carly kay Zandro. "Do you think na makukuha mo ako diyan sa mga pa efforts mo? Ginagawa mo ba iyan para magpapansin sa akin? Sorry, kahit anong gawin mo hindi kita type, at hinding-hindi kita magugustuhan." Ngumisi si Zandro, saka sunod-sunod na isinisubo ang pagkain na sa kanyang harapan. "Hindi ah, alam ko naman na hindi mo talaga ako magugustuhan kahit anong pa cute at pagpapansin ko sa iyo. Tulad ng sinabi ko sa iyo kanina, ginagawa ko lang ito dahil wala akong ginagawa, maraming oras na libre sa madaling salita. At saka, bago man lang sana ako umalis dito sa condo mo, napag silbihan man lang kita kahit pasasalamat man lang dahil kahit hindi tayo magkasundo hindi ka nagkulang sa amin mag ina." Pilit na ngiti ang ginanti ni Carly, ipinakita niyang ok lang siya at hindi nasaktan sa sinasabi ni Zandro. Pero, sa kaloob looban ni Carly, nasaktan siya sa sinabi ni Zandro na kahit anong efforts, kahit anong pagpapansin niya dito ay hindi siya magugustuhan. Mukha talagang hindi niya makukuha ang kanyang ultimate crush at minamahal mula pagkabata niya. "Mabuti naman alam mo kung saan ka lulugar, sige salamat sa iyong libreng almusal. Masarap, pero iyong eggs, next time huwag mong lalagyan ng maraming magic sarap nagiging masyadong manamis. At itong fried rice mo, next time kunting asin lang ha. Para tayong may pabrika ng asin dito sa condo," saad ni Zandro, nang tumayo na ito sa kanyang kinauupuan at pinupunasan ng tissue ang kanyang bibig saka pumasok sa kanyang kwarto. "Maalat? Pero, ubos niya ang fried rice na ginawa ko. Reklamo rin sa scramble eggs ko, ubos nga rin hindi talaga ako tinirhan. Hayss.. Ano kita nito, luto ulit ng almusal. Hays baby, si papa reklamo ng reklamo, gusto rin naman." Humarap si Carly sa kanyang anak na seryusong nakatingin lang sa kanya, habang siya ay nagsasalita. *********** Tiningnan ni Zandro ang kanyang replica sa salamin bago pumasok sa shower room,"Mukhang mag ge-gym ako ngayon umaga ah, bago pumunta sa coffee shop ko." "Akalain mo, may maganda rin naman pa lang katangian ang babaeng iyon. Masarap siyang magluto ha, sabagay, kung hindi siya marunong at masarap magluto eh wala nang kahanga-hanga sa kanya. Eh, wala na akong nakikitang attractive sa pagkatao nun, lalo na sa physical na anyo," bulong ni Zandro, sa kanyang sarili habang nakababad sa shower. "Bakit ko ba siya iniisip? Naku... Mabuti pa ang isipin ko, kung paano ko mapapadali ang DNA test results, upang mapaalis na ang babaeng iyon dito sa condo ko. Tutal, permado na niya ang lahat ng documents na pinag usapan namin na mawawalan siya ng karapatan sa kanyang pagiging ina sa kay Prince Zandro, kapag napatunayan ko na ngang anak ko ito," muling bulong ni Zandro sa kanyang isipan. Ilang minuto rin ang tinagal ni Zandro sa shower room bago lumabas upang mag bihis. Tinawagan na rin niya ang kanyang personal na attorney upang gawin at utusan na rin na mapa bilis ang pag test ng DNA test nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD