"Bro, long time no see ha. Anong naisip mo at nag gym ka ulit?" tanong ni Gabriel kay Zandro.
"Ito, pakiramdam ko kasi nawawala na ang abs ko kaya ito need muli mag gym. Saka, mukhang hindi kakayanin ng aking treadmill sa condo ang dami ng kinain ko kagabi at kaninang umaga," tugon ni Zandro.
Isa si Gabriel Zalvador sa mga malalapit niyang pinsan sa side ng kanyang ama. Isa rin ito sa itinuturing niyang malapit na kaibigan sa kanya ang nag mamay ari ng gym kung saan siya naroroon.
"Anong ngiti 'yan?" Kumunot ang noo ni Zandro dito.
"Wala, sige na nga. Natutuwa lang kasi ako dahil mukhang may masipag at maasikasong babaeng nag aalaga sa iyo kaya kung bakit napaparami ang kain mo. Ano Zandro, ok na ba? Ok na ba ang ina ng junior mo?" Ngumisi si Gabriel kay Zandro. Ngisi na parang nanunukso.
"Naku.... Kung iyon din lang huwag na. Eh kahit nga mag hubad iyon sa harapan ko, hindi man lang ako manggigigil. Hate ko ang buo niyang pagkatao. Ayaw ko ng curly hair, morena, pandak at higit sa lahat desperada," tugon muli ni Zandro.
"Really? Hate mo, pero bakit mo inanakan?" muling tanong ni Gabriel.
"Hindi ko sinasadya. Malay ko ba na magbubunga ang isang beses na pagkakamaling iyon. At saka, hindi pa ako sure kung sa akin ba talaga ang batang iyon." Kumunot ang noo ni Zandro.
"Sira ulo ka talaga! Hindi manggigigil, pero nagamit na niya. Ewan ko sa iyo bro," umiling-iling si Gabriel.
"Lasing ako nun." Uminom ng isang bottle na tubig si Zandro.
"Haha... Pero, may nanggigil pa rin sa iyo. Kaya nga may junior ka na diba?" Napahawak si Gabriel sa balikat ni Zandro, habang nakangiti ito.
"Ewan ko sa iyo. Mabuti pa, ipakilala mo sa akin ang magandang dilag na iyon oh. Kesa naman asarin nang asarin mo ako diyan," saad ni Zandro habang nakatingin sa babaeng hindi kalayuan sa kanila.
"Ah.. Si Ciara, alam mo mukhang type ka niyan. Kanina pa tingin nang tingin sa iyo 'yan eh. Pero, kailan ka pa naging babaero?" Muling napatawa si Gabriel kay Zandro.
"Ngayon, idol na kita eh. So, ano na. Ipapakilala mo ba ako? O, hindi." Tinapik ni Zandro ang balikat ni Gabriel.
Napakamot naman ng ulo si Gabriel at sinunod na lang ang pinsan sa kahilingan nito. Oo, gwapo at may makisig siyang pangangatawan na makakaakit sa mga kababaehan pero, kahit minsan hindi niya iyon ginamit para mangbabae. Mula kasi, ng maging girlfriend niya si Vivian ay dito na umikot ang kanyang mundo. Dito niya rin itinuon ang kanyang buong pagmamahal at attention, pero ayon niluko lang siya nito. Kaya nga noong nalaman niyang ginamit lang siya nito, ay sobra-sabra siyang nasaktan kaya nagamit niya si Carly, upang kalimutan ito.
"Hi, I'm Zandro, Ciara right?" Agad nilahad ni Zandro and kanyang palad.
"Yahh.. I'm Ciara. I know you, minsan na kitang na meet sa isang private party sa makati remember?" Ngumiti si Ciara kay Zandro.
"Sorry, but I don't remember." Napakamot ng ulo si Zandro.
"I know it. I remember na ikaw iyong seaman na boyfriend ni Vivian. Vivian is one of my friends," paliwanag muli ni Ciara.
"Ex boyfriend. Matagal na panahon na kaming wala ng kaibigan mo," saad ni Zandro, at pilit na ngiti ang binigay niya dito.
"Yahh.. I know, actually matagal tagal na rin kaming hindi nag uusap nun, busy iyon sa new life niya eh," saad muli ni Ciara.
"Huwag na nga natin pag usapan iyon. Mabuti pa ang pag usapan natin itong sa ating dalawa, free ka ba mamaya after work? Labas lang tayo ng kunti, at i hope na wala ng Vivian tayong pag uusapan kundi ikaw na lang diba? Kasi mas intrisado akong makilala ka eh, pwede ba? Wala naman sigurong magagalit diba?" Ngumiti si Zandro kay Ciara.
Napangiti na rin si Gabriel sa naging saad ni Zandro sa kay Ciara dahil mukhang epektibo ang pag papa cute ng kanyang pinsan dahil bahagyang namula ang pisngi nito.
"Sure why not. Ahmm... Wala, kasi wala naman akong boyfriend," saad ni Ciara.
"Good... So, I pick up you after work?" Kumindat si Zandro kay Ciara.
"Sure.." Muling namula ang pisngi ni Ciara.
Matapos ang pag uusap nilang dalawa ay agad binigay ni Ciara ang kanyang personal number at ang kanyang address upang sunduin siya sa kanilang napagkasunduan na oras.
Pagkatapos din ng kanyang time sa pag g-gym ay agad tumungo sa kanyang trabaho si Zandro.
**************
"Hi, good evening," bati ni Carly kay Zandro.
May sasabihin pa sana si Carly kay Zandro, ngunit nawala agad ito sa kanyang isip dahil sa agaw atensyon na isang maganda at sexy na babaeng kasama nito.
"Hello, may naihanda ka bang pagkain para sa dinner?" tanong ni Zandro sa kanya.
"Oo, sakto nga dahil kakatapos ko lang magluto. May.. May kasama ka pala." Nanatiling nakatingin si Carly kay Ciara.
Habang si Ciara naman ay nakataas ang kilay sa kanya at tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Oo, si Ciara nga pala. Ciara, si Carly, kasama ko dito sa bahay, kasambahay ko para naman hindi kawawa itong condo ko. Ano pang hinihintay mo Carly, asikasuhin mo na ang aming kakainin sa mesa," saad ni Zandro.
"Ah... Sige po," tanging saad ni Carly. Hindi alam ni Carly kung anong pakiramdam niya ng mga oras na iyon dahil sa sinabi at pagpapakilala ni Zandro sa kanya kaya agad niyang sinunod ang inutos nito.
"Sabagay, sino ba naman ako para ipakilala ng maayos? Ina lang naman ako ng anak niya, ayon nga lang hindi sinasadyang nabuntis. Hayss nakakainis ang sakit sakit ng puso ko parang hinihiwa. Tapos, ayon parang walang ibang tao dito kung maglandian," bulong ni Carly sa kanyang isip habang naghahanda ng pagkain sa mesa.
Natatanaw kasi ni Carly si Ciara at Zandro sa sofa at masayang naglalambingan. Wala yatang ibang ginawa si Ciara kundi ang kumandong nang kumandong kay Zandro, at tumatawa ng bahagya habang hinahagkan ni Zandro sa liig at pisngi maging sa labi.
"Carly, paki ligpit na lang muna ulit ang lahat ng iyong hinain sa mesa at mukhang hindi muna kami kakain. Mukha kasing iba ang kakainin nitong lovely lady ko. Kakain na lang kami mamaya kapag nagutom kapag napagod sa aming gagawin," saad ni Zandro, at agad nitong binuhat si Ciara at dinala sa kwarto.
"Ikaw ha pilyo mo. But I love it," saad naman ni Ciara.
Hindi nakatugon si Carly ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Zandro. Hindi niya akalain na masasabi niya iyon sa harapan niya mismo na parang isang malaswang lalaki.
Parang nabingi si Carly dahil sa sakit ng kanyang nararamdaman dahil sa harap harapan siyang sinasaktan ni Zandro, hindi niya alam para saan ang ginagawa na iyon ni Zandro. Dahil, sa ilang buwan na pananatili niya doon ay ngayon lang ito nag uwi ng isang babae.
"Ano ba 'yan...Bakit ka umiiyak Carly? Wala ka naman karapatang masaktan eh," bulong ni Carly sa kanyang sarili habang pinupunasan ang kanyang luha.
Napabuntong hininga si Carly bago pumasok sa kanilang kwarto pagkatapos niyang muling iligpit ang pagkain na nakahain sa mesa.
Ngunit bago pa naman, nagpasyang pumasok si Carly sa kanyang kwarto ay napansin niyang naka awang ng bahagya at hindi nilock ang pinto ng kwarto ni Zandro.
Muling tumulo ang mga luha ni Carly, dahil puro ungol ng dalawa lalo na ng babae ang kanyang naririnig.
Kaya dali daling pumasok si Carly sa kanilang kwarto at doon inilabas ang kanyang sama ng loob.
"Ang sama sama mo Zandro, bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Bakit mo ba ako sinasaktan nang ganito?Bakit?" saad ni Carly sa kanyang sarili habang hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha na parang isang gripo sa kanyang magkabilang mata.
"Alam kong wala akong karapatan na magalit, na masaktan nang ganito pero, hindi ko mapigilan eh, dahil mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita Zandro, kayo ng anak mo." Halos mapaos na ang boses ni Carly dahil sa kanyang pag iyak.
Pero, wala siyang magawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa kanyang sakit na nararadaman.