"Zandro... Please help me, please help me," halos mangiyak ngiyak si Vivian nang tumawag ito kay Zandro sa cellphone. "Vivian!! Bakit anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Zandro. "Para kasing may lalaking sumusunod sa akin. I don't know what to do, please help me," saad muli ni Vivian. "Calm down and relax ok. Nasaan ka ba now?" saad ni Zandro. "Andito pa ako sa sasakyan, nag da-drive na sana ako patungo sa condo ko pero, ito nga may napansin akong sumusunod sa akin. Hanggang sa ito, lumiko ako ng daan para alamin kung sinusundan nga ako, pero ayon tama nga ang hinala ko, dahil ako nga ang sinusundan nito. Please.. Help me, patungo na ako diyan sa coffee shop mo," saad ni Vivian at halata pa rin sa boses nito ang pagkatakot. "Ok, relax ka lang at huwag kang magpanik ok. I call pul

