"Hindi ako papayag..... Hindi!! Ako dapat ang naririyan, hindi ikaw Carly, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi matuloy ang kasal ninyo," saad ni Vivian habang pinagmamasdan niya si Carly at Zandro sa hindi kalayuan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Zandro na buhat sa opisina, maging sa inutusan nitong empleyado niya na mag set up ng proposal sa romantic dinner date ng dalawa ay lihim na naka matyag si Vivian kaya alam na alam nito ang mangyayari. "Akin ka lang Zandro, akin ka lang. Hinding hindi ako papayag na mapupunta ka diyan sa basurang babae na 'yan!!" Galit na galit si Vivian lalo na nang maglapat ang labi ng dalawa. ************ "Hindi ba tayo uuwi ngayong Gabi? Bakit dito mo ako dinala?" palinga-linga si Carly habang nagtatanong kay Zandro dahil dinala siya nito sa

