"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Zandro kay Vivian ng pumasok ito sa kanyang opisina. "Bakit parang ang suplado mo ngayon? Parang noong nakaraang Gabi lang kung makatawag ka sa akin wagas at hindi mabilang ang misscall. Ano? Limot mo na naman? Kasi, lasing ka na naman?" Umupo naman si Vivian sa upuan sa harap ng table ni Zandro. "Oo, kaya umalis ka na at umuwi, pwede?" seryusong saad muli ni Zandro. "Wow... Eh, kung lasingin nang lasingin kita lagi para naman maging totoo ka na sa sarili mo. Zandro, hindi kita nakilala kahapon lang para hindi ko alam kung anong kahinaan mo at paano ka magpakatotoo." Tumaas ang kilay ni Vivian. "Please lang Vivian, ayaw kong makipag usap sa iyo. Alam mo bang isang malaking pagkakamali ang tawagan ka ng gabing iyon? Hindi ko alam kung bakit nag aa

