Makikipagkita si Zandro kay Carly, hindi dahil gusto niyang panagutan ito kundi gusto niyang alamin na kung totoo ang sinasabi nito. "Zandro.. Sabi ko na nga eh, hindi mo ako matitiis," saad ni Vivian ng buksan niya ang main door at bumungad sa kanya si Zandro. "Hindi ako pumunta dito para sabihin na hindi kita matiis. Vivian, alam mong wala na akong feelings sa iyo at hinding hindi na kita magugustuhan pa. Narito ako, para siguraduhin ang sinabi mo kanina, Vivian, ikakasal na ako at ayaw kong may manggugulo sa araw na pinakamahalaga sa amin ni Carly," saad ni Zandro. "So? Anong ginagawa mo dito? Pumunta ka ba dito para ipamukha mo sa akin na masaya ka na, samantalang ako ito binigyan mo ng isang anak ha?" Nag umpisang tumulo ang luha ni Vivian. "Kung totoong anak ko talaga ang nasa

