Chapter 4

1470 Words
Tristan Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan ng Ma'am ko. Ma'am muna ang itatawag ko sa kanya dahil hindi ko pa naman siya girlfriend kaya hindi pa puwede ang Sweetheart or Tart. Putcha parang naging corny na yata ako ngayon. Maganda ang kotse ni Ma'am, halatang mamahalin. Sa bagay, sa taas ng posisyon nito'y hindi imposible. Kayang-kaya na nitong makabili sasakyan gaya nito. Nanliit tuloy ako sa sarili ko, pero ayos lang naman. Kung sakaling magkatuluyan kami'y gagawin ko ang lahat para mapantayan ko ang sinasahod niya sa pagpupulis. Sa marangyang paraan s'yempre. At patitigilin ko na rin siya sa pagpupulis kung sakali. Siguro itutuloy ko ang pag-aaral ko para makaakyat sa barko, tutal dalawang taon na rin naman matatapos na ako at magiging Marino na. Para ang gagawin na lang niya'y pagsilbihan ako sa aking pagdating. Iniisip ko pa lang ay kay sarap siguro sa pakiramdam. 'Yong bang pagdating ko'y nakahanda na siya sa akin upang magpaangkin nang paulit-ulit. Tumigas tuloy bigla ang alaga ko sa aking naisip. "Gag* Tristan, baka makita niya," saway ko sa sarili at napapailing dahil sa aking naisip. Kung saan-saan kasi lumilipad ang utak ko. Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang malamyos nitong tinig na parang isang musika sa aking pandinig. "Mr. Agbayani ...? Nakikinig ka ba?" "Huh? Ahh oo, ano nga po pala sinasabi ninyo Ma'am." Haist Tristan bawas pogi points ka na. "Tinatanong kita kung marunong kang mag-drive?" 'Yun lang pala. Gusto ko sanang magmayabang na diyan ako magaling. Sa katunayan p'wede na nga akong pamalit kay Jason Statham, o kaya kapalit ni Paul Walker ng Fast and Furious. "Oo naman Tart, este Ma'am." Muntik na ako madulas. "Well, good, may lisensya ka ba? " tanong pa nitong muli. Heto na 'yon, interesado na siya sa akin. Ma'am naman ayaw kong kiligin. "M-meron M-ma'am." Ito na naman ang pagkabulol ko. Bakit ba ako natataranta.? Hindi ako ito. Mabuti naman at hindi na niya pinansin ang pagkabulol ko. Sa halip inihinto niya ang sasakyan sa gilid na labis kong pinagtaka. "Ikaw na ang mag-drive, medyo inaantok pa ako," sabi lang nito at lumabas umikot sa kung saan ako nakaupo. Kaya binuksan ko na rin ang pinto at bago bumaba'y nagpakawala muna ako hangin, bigla yata ako ninebyos. "Galingan mo ahh," sabi lang nito saka ipinikit ang mata nito. Bago ko umpisahan ang pagpapatakbo'y sinulyapan ko muna siya. Halatang antok na antok ito. "Hay, Ma'am. magaling talaga ako hindi lang sa pagmamaneho ng kotse, kundi pati na rin sa pagmamaneho ng mga babae." Nak ng puch* naman oh. Kung ano-ano na naman naiisip ko at naging many*k na yata ako, dati nama'y hindi, dahil ako ang siyang pinagpapantasyahan ng mga babae. Napapailing na lang ako sa aking mga naisip saka tinuon ang atensyon sa kalsada. May nakalagay naman na GPS sa kung saan kami pupunta. Kaya 'yon na lang ang sinundan ko. Gusto kong magpakitang gilas kaya aayusin ko ang pagmamaneho para sa Ma'am Tart ko. Ang ganda-ganda pa ng aking pagkakangiti habang nagmamaneho nang may biglang bumangga sa amin at dumire-deretso itong pinaharurot ang gamit na sasakyan. Sa sobrang lakas ay nagising bigla ang Ma'am Tart ko. "Ano 'yon?" gulat nitong tanong. "Ma'am, may sira ulong binangga tayo ... "Habulin mo!" sabi nito. "Ha!" nagtataka kong tanong. "Habulin mo, ngayon mo ipakita sa akin ang galing mo. Dali, over speeding siya at mukhang may ginawang mali, tingan mo." Sabay turo nito sa police mobile na halatang sila ang hinahabol dahil sa wang-wang nila na ngayon ko lamang nadinig. "Yes, boss, maasahan mo ako diyan." At inumpisahan kong patakbuin ng mabilis ang kotse niya. Siya nama'y inilagay ang wang-wang sa bubong ng kotse nito. Nagpakawala ako ng malakas na buntonghininga saka inumpisahang patakbuin ng mabilis ang kotse nito. Itinudo ko sa 120 ang bilis ng takbo ko. Pa-zigzig pa ito habang pinapatakbo ko. Habang si Ma'am Tart ko naman ay inilabas ang ulo nito sa bintana at may nais kompirmahin. "Ma'am kumapit kayo, pagdating sa bagay na ito'y may laban ako." Pagyayabang kong sabi. Hindi ito sumagot bagkus inayos nito ang baril na Calibre 45. Kaya napalunok ako ng laway. Mukhang mapapasabak kami sa labanan ngayon, buti sana kung sa kama. Panakanaka ko siyang nililingon, pero nagagawa ko pa rin naman ang pagmamaneho ko. Napansin niya ito kaya nakatikim ako ng sigaw mula sa kanya. "Agbayani, focus on the road," bulyaw nito sa akin. Kaya lalong dumagdag ang kaba ko sa dibdib. Bigla ding nangatog ang tuhod ko't natakot sa kanya. Kaya habang nagmamaneho ako'y napapaisip din na mukhang mahihirapan ako sa pagdiskarte sa kanya. Baka dadampihan ko pa lang ang labi nito'y salubungin na kaagad ako nito ng baril sa bibig na siya niyang idampi sa labi ko. "Focus, Tristan at itayo mo ang bandera ng mga Agbayani," ani ko sa aking sarili. Kaya hindi ko na lamang ito sinulyapan pa at ginalingan na lamang sa pagpapatakbo. Medyo malayo na ang kinaroroonan ng hinahabol namin. Kaya nakaisip ako ng paraan paano ko silang mahahabol. Ayun sa binabagtas niyang daan ay iisa lang ang tumbok nito. At alam ko kung saan ang short-cut ng daan dahil minsan na akong naging delivery rider noon, at madalas kong baybayin ang lugar na ito para mabilis makarating upang makarami. Niliko ko ang daan sa kanan kong saan sakto naman nang tumapat kami. Gaya ng inaasahan ko nakatikim na naman ako ng bulyaw mula sa kanya. "Saan ka pupunta.?" tanong nitong pasigaw sa akin. "Trust me Ma'am, dahil kabisado ko ang lugar na ito," pagmamalaki kong sabi. " Siguraduhin mo lang," sagot nito bago nagtawag ng back-up. Dahil sa mabilis ako magpatakbo kaya sakto naman dadaan na kami sa relis ng tren. Mukhang paparating na ito kaya mas lalo kong binilisan at nagdere-deretso. Dinig ko ang pangsinghap nito matapos kong maitawid ng maayos ang sasakyan bago tuluyang bumaba ang harang. Akala ko'y makakatikim ako ulit ng bulyaw sa kanya. Kaya kaagad ako humingi ng pasensya. "Sorry Ma'am, kung natakot ko kayo." Ngunit pinutol nito ang sasabahin ko ng malakas ako nitong hinampas sa braso sabay sabi ng ... "Wow! ang galing mo pala, I think may nababagay sa 'yong trabaho. Ayun na sila," sabi niyang muli. Sakto naman na siyang pagdaan ng hinahabol namin kaya mas nauna pa kami sa mga Police mobile na nakasunod sa kanila. "Ma'am babanggain ko po ba ang likuran?" Mabuti na ang magtanong baka may paglagyan ako pagbinangga ko ang sasakyan niyang ito. "Hindi s'yempre. Hayaan mo lang ang distansiya natin. Akong bahala," sagot nito sa akin saka inilabas ang kalahati ng katawan sa bintana habang ang paa nito'y nakapulupot sa sandalan ng upuan. Nag-alala akong ma-b'yudo kaagad kaya nais ko sanang hawakan ang binti nito. Pero wala pa man ay parang nahuhulaan na nito ang gagawin ko. Kaya nakatikim na naman ako ng focus na sinasabi nito. "Focus! Agbayani at huwag mo akong intindihin," sigaw nito sa akin. "Yes, Ma'am ... Ingat lang kayo at mamahalin pa kita." Dugtong ko sanang sasabihin sa kanya. Pero hindi ko na lang sinabi. Baka hindi lang sipa ang sa mukha ang abutin ko sa kanya. Hanggang sa marinig ko na lang ang putok ng baril nito kasabay ng pagputok ng gulong nang hinahabol namin. Kaya naging paikot-ikot tuloy ang takbo nila na nagresulta ng pagbangga ng sinasakyan sa poste ng Stoplight. Inihinto ko naman ang sasakyan malapit sa kanila. Bumaba agad ang Ma'am Tart ko at pinaputukan sa paa ang driver na gusto pang tumakas. Na-corner din niya ang sakay nito na hindi na rin makakilos dahil sa tama ng bala na natamo nito. Nakikita ko kung gaano ka astig ang Ma'am Tart ko mula sa aking kinauupuan sa loob ng kotse niya. Mas lalo pa akong humanga sa kanya lalo nang saluduhan siya ng kapwa Pulis sa ibang presinto. Saka ito naglakad palapit muli sa sasakyan. Parang nag-slow-mo ang paligid ko nang nakangiti itong naglalakad habang nakataas ang kanang kamay nitong naka-okay sign sa akin. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko at may nakompirma na rin ako. "Tristan, mukhang tinamaan ka na ng matindi sa Ma'am Tart mo." Sabi ko sa aking sarili bago tuluyang makapasok si Ma'am at umupo sa aking tabi sabay sabi ng-- "Congratulations, Mr. Agabayani, dahil sa galing mo sa pagmamaneho kaya tagumpay nating nahuli ang mga holdaper. Kaya simula sa araw na ito, kasama ka na sa Team ko bilang Driver namin at makakasama namin palagi, ayos ba?" "A-ayos na ayos Ma'am," nauutal ko namang sagot dito. "At dahil diyan, magse-celebrate tayo mamaya, pero sa ngayon kailangan ko nang maligo. Sa bahay na muna tayo." Ikakatuwa ko ba ang pagsama ko sa kanya sa bahay nila? Gayong kanina pa kumakabog ang puso ko dahil sa natuklasan ko. Na ang akala kong simpling paghanga at pagnanasa ay mauuwi sa pagmamahal na ngayon ko lamang naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD