Chapter 5

1602 Words
Tristan Nakarating kami sa bahay ni Ma'am Tart ko. Maayos ang tirahan niya. Nasa loob ng subdivision. Naghintay lamang ako sa labas. Sa labas ng kotse niya. Pero maya-maya'y tinawag niya ako’t inimbitahang pumasok sa loob. Hindi naman ako kinakabahan sa pag-aakala na may kasama siya, pero wala pala’t mag-isa lang siyang naninirahan dito. "Feel at home, Agbayani. Kumuha ka na lang nga maiinom diyan. Maliligo lang ako," anito bago niya ako tuluyang iniwan at umakyat. "Tristan, akyatin mo na," utos sa akin ng manyak na si Tristan. "Gusto mo yata makatikim ng calibre-45 na baril, sige ikaw na lang." Para na akong nababaliw at kinakausap ang aking sarili. Inaalog-alog ko na lang ang ulo ko para magising sa pantasya ko. Bukod sa alagad ng batas si Tart ay parang wala siyang hilig sa mga lalaki. Maya-maya’y tinungo ko ang kusina at binuksan ang Refrigerator niya. Marami siyang pagkain pero kumuha lang ako ng maiinom na beer in can para mahimasmasan ako. Binuksan ko ito at inisang lagok na ininom habang nakatingin sa hagdanan. Malapit ko na ito maubos nang bigla akong nasamid at nabilaukan. "Ano'ng nangyari sa 'yo, Agbayani?" tanong nito nang tuluyang makalapit. Tinapik-tapik ako sa likuran habang patuloy pa rin ako sa pag-ubo dulot ng pagkakasamid ko. Nakita ko lamang siyang bagong ligo'y apektado na ako, samantalang nakapantalon lang naman siya at simpleng tshirt na sakto lamang ang sukat sa kanyang katawan. "Ma'am, may naalala lang ako," pagdadahilan kong sabi. Kumuha din siya ng beer in can at inisang lagok niya rin itong ininum. Kaya nagawi ang tingin ko sa kanya’t nakaramdam din ng pagka-uhaw habang nakatingin sa kanya. Kaya inubos ko na lang ang iniinom ko kanina at sa wakas naibsan din ang tensyon na aking nararamdaman. “Mukhang maayos ka na. Tara na at may kailangan pa akong tatapusin,” sabi nito at tinungo ang pinto. Sumunod naman ako agad at dumiretso sa kotse niya. Hinding-hindi ko hahayaan na mapag-isa kaming muli ni Ma’am Tart. Baka magka-heart attack ako bigla sa tindi ng pagtitimpi ko. Naging maayos naman ang biyahe namin sa daan. Habang nagmamaneho ako’y panaka-naka akong nakatingin sa hawak nitong cellphone. At hindi nakaligtas sa aking mga mata ang tinitingnan nitong larawan. Panay mga seksing babae kasi. Lalong lumakas ang kutob kong baka isa nga siyang tibo. “Pero wala naman nabanggit si PO1 Payatas.” Kausap ko pa sarili. Dumeretso kami ng presinto at naupo sa bakanteng upuan malapit sa front desk. Para akong tanga na nakatunganga lang at walang magawa. Kailangan siguro palaging may habulan sa kalsada para may ginagawa ako. Kung wala e di nganga. Naiinip ako sa kaiintay kaya naisipan kong lumabas at bumili ng yosi. "Boss, bagong Pulis ka ba riyan? Ngayon lamang kita napansin dito," tanong sa akin ng tindero. "Hindi ako pulis, magiging asawa pa lang ng pulis," sagot ko pagkahithit ng sigarilyo. "Sino sa kanila?" usyoso pa nitong tanong. "Si P03 Delo–" tuluyan akong natigilan sa boses ni Ma'am Tart sa aking likuran. "P03 …? Ako ba 'yang tinutukoy mo?" biglang sulpot nitong tanong sa aking tabi. Sa taranta ko'y nagkanda ubo tuloy ako dulot ng usok ng sigarilyong hinihithit ko. Hindi kaagad ako sumagot at nagkunyaring inuubo pa habang nakatitig lamang ito sa akin. "Anyways, maari bang huwag ka muna manigarilyo kapag magkasama tayo? Ayaw ko kasi ng amoy," sabi nito. Mabilis ko namang itinapon ang sigarilyong hawak ko at tinapakan. "S-sorry po Ma'am, hindi na mauulit," 'di makatingin kong sagot. "May kaunting salo-salo sa bahay nila Chief." "Ganoon ba, e di mauuna na pala ako." "Hindi, kasama ka sa amin kaya halika na at bibili pa tayo ng regalo," sabi nito at tinalikuran ako. "Fighthing," bulong sa akin ng tindero. “Fighting,” mahinang sagot ko. Pagpasok ko'y naroon na naman ang tensyong nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nagkakaganito sa isang babae. At sa pulis pang astig na gaya niya. Hindi ba dapat siya ang kabahan sa akin? Pero mukha yatang baliktad. “Hmm, Ma’am, saang mall po tayo …” natigilan ako sa sasabihin nang lingunin ako nitong salubong ang kilay. “Agbayani– “Ma’am …?” kabado kong sagot. Para akong nahihipnotismo kung paano ako nitong tingnan. Kaya bago ko pa siya mahalikan ay iniwas ko na ang tingin sa kanya at nagkunwaring nag-vibrate ang cellphone ko upang tingnan ito. “Maari ba’ng huwag mo na ako ipo-po at opo?” Saka pa lamang ako napatingin muli sa kanya dahil sa sinabi nito. “Po? Este Ma’am, magalang lang talaga ako, lalo na kung boss ko ang kaharap,” pagdadahilan kong sabi. “Then let’s be friends!” Ano?! Friendzone kaagad. “Tara na nga, sa Zmall tayo,” sabi nitong muli. “Pasensya na, Ma’am.” Nag-umpisa akong magmaneho habang panaka-naka ang tingin sa kanya. Gaya kanina puros magagandang mga babae ang tinitingnan niya. Mukhang wala na akong pag-asa. Kaya siguro wala man lang siyang atraksyon sa akin dahil gaya ko’y babae rin ang gusto. “Let’s go, marami pa tayong pupuntahan,” sabi nito pagka-park ko ng sasakyan. “Ma’am kasama ako?” taka kong tanong. “Of course,” sagot niya at tinalikuran ako. Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga saka muling sumunod sa kanya. Malayo pa lang ay tanaw ko na siyang kinakausap ang security guard na para bang may habilin ito sa kanya. Nang makitang parating na ako’y saka pa lamang umalis ito sa tabi ng kinakausap. “Punta muna tayo sa mens section,” sabi nito. Mens section? Akala ko ba pang ladies ang hinahanap niya? Pagkapasok namin sa department store ay kumuha siya ng dalawang malaking cart at binigay ang isa sa akin. “Kunin mo lahat ng gusto mo, bilhan mo rin ang mga kapatid mo Nanay mo, ako nang bahala,” balewalang nitong sabi at tinalikuran ako. Tulala lang ako habang nakatingin sa kanya. Kausap ang babaeng halatang may katungkulan dito sa mall pero maya-maya’y umalis rin. “Agbayani!” Bumalik ako sa wisyo nang malakas nitong tawagin ang apelyido ko. Kaya lumapit ako sa kanya tulak pa rin ang cart na wala pang laman. “Ma’am, wala ho ako mapili at-” “Ano’ng wala? Halika na nga’t ako ng bahala.” Wala na akong nagawa at sumunod na lamang sa kanya. Kumuha ito ng iba’t ibang pulo, t-shirt, pants, shorts at brief kaya umalma na ako. “Ma’am, marami po akong brief at boxer,” pigil kong sabi sa kanya. “Tsk, hindi ‘to para sa ‘yo.” s**t pahiya ako r’on ah. “Just kidding, halika na, ano ba’ng size ng boxer mo?” Awang ang labi ko at nag-init agad ang aking mukha sa tanong niyang iyon. Talagang aatakihin ako sa puso nang dahil sa Ma’am Tart ko. “Hindi na Ma’am–” ngunit gaya kanina’y natigilan muli ako nang ilapit nito sa akin ang boxer para lamang sukatin ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko’t hindi makagalaw. Nag-uumpisa na rin mag-react ang kaibigan ko na nasa aking gitna. Samantalang siya’y wala man lang pakiramdam. “Hmm, I think ka size mo lang si Kuya at si Dad,” balewala nitong sabi saka binaling ang tingin sa saleslady na nasa tabi niya. “Miss, kuhanan mo ako ng tig 1-dozen ng ganitong design, large size,” sabi nito sa saleslady. “Sige po, Miss Keanna,” magalang na sagot ng kausap. Kanina ko pang napapansin ang kakaibang paggalang ng mga tao rito sa loob. Kaya hindi ko napigilan na magtanong. “Siguro Ma’am, palagi kayo pumupunta rito, kasi pansin ko lang kilalang-kilala ka nila,” aniko. “Hindi naman, siguro once a month lang.” Hindi na ako nagtanong pa at napitingin na lamang sa cart na punong-puno ng damit. Hindi na ako nagreklamo nang sabihin niya na gagamitin ko raw itong mga damit sa trabaho ko. Kaya hinayaan ko na lang. “Sa ladies naman tayo, at sa kids section,” sabi niya pa. “S-sige Ma’am,” tipid kong sagot. Sa totoo lang, hindi ako natutuwa. Oo mahirap lang ako pero may paninindigan din naman ako bilang lalaki. *** Narito na nga kami sa ladies section. Kung kanina’y hirap na akong makahinga. Mas dumoble naman ngayon. Hindi ko kasi siya magawang tingnan habang hawak ang lingerie na hawak nito. Kung ano-ano kasing pumapasok sa isip ko. “Ugh, Tristan, kumalma ka. Boss mo siya ag hindi girlfriend,” saway ko sa aking sarili. Halos iuntog ko na ang ulo ko sa kahalayang naiisip. At dahil mahalay ang isip ko’y kanina pa nagagalit ang kaibigan ko na gusto yatang hagurin ko, pero paano? “Agbayani, ayos ka lang?” At gusto ko na lang matunaw sa kahihiyan dahil sa biglang sulpot ni Ma’am Tart sa aking likuran. Huling-huli niya tuloy akong hawak ko si bestfriend para pakalmahin. “Huh?! A-ayos lang,” nauutal kong sagot at tinanggal agad ang kamay sa aking harapan. Tinaasan niya ako ng kilay at nakangisi rin itong pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Lalo tuloy ako pinagpawisan. Sasagot na sana ano nang … “Ken! Babe!” At isang pang maganda at sexy ang biglang sumulpot sa aming likuran at patakbo itong lumapit kay Tart. Walang sabi-sabing nagyakapan ang mga ito at … “I miss you, Babe!” Nakahinga ako’t nailigtas ako ng babaeng dumating. Ngunit kasabay rin nito ang panlulumo ko’t panghihinayang. “Ma’am Tart, bakit kagaya pa niyang mas malaki ang boobs ang gusto mo?” nanghihina kong tanong sa aking sarili habang nakatingin sa kanila na halos maghalikan na sa aking harapan. “Badtrip!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD