Napabuntong-hininga ako at nakonsensya bigla dahil sa masungit kong pagsagot sa kanya kanina. Hindi ko ginusto iyon, pero naramdaman kong nawalan ako ng kontrol sa sarili. Naupo si Papa sa tabi ko. Humugot ako ng lakas bago muling nagsalita nang maikalma ko ang sarili ko. "Pasensya na,Pa." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Hinagod naman ni Papa ang likod ko at tumango. Wala ni isa ang nagbalak na magsalita sa amin. Nang bumalik ang doktor ay matatagalan bago lumabas si Mama sa ICU. Narinig ko si Papa na kausap ang head nurse at isang staff. Mahinahon ang boses niya, pero ramdam mo ang awtoridad doon. Nagpareserve ng suites o VIP rooms si Papa, na tila ba gusto niyang siguraduhin na magiging komportable kami habang hinihintay na gumaling si Mama. "Kailangan namin ng kumplet

