ELIEZER POV Pagdating namin sa ospital, halos hindi na kami nakapag-usap. Diretso kaming tumakbo papasok sa entrance. Halos tumakbo ako papunta sa reception desk para magtanong. Nasa likuran ko si Doths. Nakita ko ang pagkabahala sa mukha ng nurse habang tinitingnan ang listahan sa harapan niya. "Saan po ang kwarto ng Mama ko? " tanong ko habang natataranta, ngunit puno ng pakiusap ang tono ng boses ko. "Ano pong pangalan ng pasyente, Sir?" "Louise Aguas po," sagot ko. "Room 309 po, Sir...." mabilis na sagot ng nurse. Napatingin ako kay Doths, at tumango ito. Batid kong naiintindihan niya ang gustong ipahiwatig ng mga mata ko. Hindi ko alam kung takot o pag-asa ang naraeamdaman ko, pero isa lang ang malinaw sa akin, kailangan naming makita si Mama ngayon din. Nangagatog ang mga

