CHAPTER 36 BOOK3 Tumingin ako sa aking relo at napansin kong oras na nga ng next subject. Nagsimula nag mag-ayos ang mga estudyante ko at tahimik ko naman na inayos ang mga gamit ko sa mesa para sa next class ng papasukan ko. Lumapit sa akin si Lloyd. " Sir, thank you for today. Salamat po at nakapasok na ulit kayo. Cheesy man pong sabihin pero namiss ko po ang pagtuturo mo," nakangiting saad nito. Ngumiti ako, tumigil ako sa ginagawa ko at tinapik ko ang balikat nito. "I'm glad to hear that Lloyd. Masaya rin ako at hindi ka na daw lumiliban sa klase pag wala ako." "Hindi na ho, Sir. Napagsabihan po ako ni Tita Wisa, kaya po narealize ko na tama po siya," nahihiya nitong saad saka yumuko. "It's okay. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag mo, ha. Saka hindi masamang gumulong sa m

