DOTHS POV "Napagplanuhan namin ni Louise na magbakasyon sa Maynila. Total ay nabuburyo na ako rito sa Sitio, naisipan kong mag-unwind rin kami ng asawa ko sa Maynila." sambit ni Ninong Anselmo nang matapos kaming kumain ni Eliezer. "That's great! Hanggang kailan po kayo doon?" tanong ko. Isinantabi ko nga ang napag-usapan namin ni Eliezer tungkol kay Jamer. Masaya ako para kay Ninong Anselmo at Tita Wisa. Sa wakas, hindi lang rito sa Sitio sila mamasyal kundi pati sa Maynila na din. Tumikhim si Tita Wisa. "Mga dalawang buwan kami roon, hija. Pero parang ayoko nga dahil mamimiss ko itong anak ko." sabay yakap kay Eliezer na nakaupo sa tabi nito. "Mama! Malaki na ho ako." kunwari ay naiinis na sabi ni Eliezer kay Tita. "Ano ka ba anak, ako ba ay hindi mo man lang mamimiss kahit konti?

