Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Si Eliezer ay wala na sa tabi ko nang akmang yayakapin ko ito. Mataas na rin ang sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana. Napaupo ako at nag-inat ng kamay. Napahikab pa ako tila kulang pa ang tulog ko dahil sa mainit na tagpo sa pagitan namin ni Eliezer kagabi. Bumukas ang pinto nang akmang mahihiga pa ulit ako. It was Eliezer. Bagong ligo ito sa nakashorts lang. Walang pang itaas na damit. "Good morning, sweetheart. Mukhang inaantok ka pa, ha?" bungad ni Eliezer sa akin. "Tssk. Bakit hindi mo man lamg ako ginising? Tinanghali na tuloy ako ng gising." nakanguso kong reklamo rito. Gumuhit naman ang pilyong ngiti nito. "Don't worry, ako lang naman ang nakakaalam kung bakit ka napuyat kagabi." Nakakaloko itong tumingin sa akin. Matalim ako

