CHAPTER 40

1732 Words

Nang dapit hapon ding iyon ay niyaya kong mamili ng mga grocery si Eliezer sa kalapit na bayan. Ngunit tumanggi ito. Nag-isisp ako ng paraan para mapapayag ito. Ayaw ko naman na wala kaming gagawin ngayong maghapon. "Pwede tayong pumunta ulit sa dalampasigan kung gusto mo, Eliezer?" tiningnan lamang ako nito pagkatapos ay ibinalik muli ang atensyon sa laptop nito. "Dito na lang tayo sa bahay, may tatapusin lang ako," mayamaya ay saad nito. "Ikaw ang bahala," sagot ko. Siguro nga ay importante ang gagawin nito sa ngayon kaya naisipan ko na lang na pumunta sa kusina at maghanap ng mabubutingting. "Ano kayang pwedeng gawin ngayon?" anang isip ko. Nagpalinga-linga ako sa buong kusina at nakita ko roon ang ga tambak na labahin ni Eliezer. Iyong akin ay kaunti lang. Iyong kay Tita at Nin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD