Sumilay ang ngiti sa aking labi. Kung anu-anong pumapasok na mahaharot sa isipan ko. "Ba't gusto mo bang uminit ang magdamag mo?" Nakakaakit na tanong ko, sabag haplos sa dibdib nito pababa sa kanyang tiyan. Tiim bagang itong nakititig sa akin. Akmang hahalikan ako nito ng biglang kumukulo na ang sinaing ko. Agad ko iyong tinanggalan ng takip at pinahinaan ko ang apoy. " Let's eat first bago 'yan. Anong lulutuin nating ulam?" nag-iisip na tanong ko kay Eliezer. "Pwede namang ikaw," nakagat nito ang labi at kumindat sa akin. "Tsskkk. Ang landi, ha. Gutom lang 'yan." Pang-ookray ko sa paglalandi nito sa akin. Kunwari naman ako na ayaw ko pero ang totoo ay kanina ko pa siya gustong sunggaban ng halik sa mapupula niyang labi. Lumapit ito sa akin. Saka ako hinawakan sa baywang upang hin

