CHAPTER 42 BOOK3 Agad naman iyong inabot ni Eliezer saka pinindut ang answer button. "Mang Edgar?" Kalmadong tanong ni Eliezer sa kabilang linya. Nakaloud spaeker iyon kaya naririnig ko kung ano man ang pinag-uusalan nilang dalawa. " S-sir E-eliezer?" nauutal na sabi nito. Bumuntong-hininga si Eliezer. "Yes, ako nga po. Musta po sina Mama at Papa?" Natahimik ang nasa kabilang linya. Mga ilang sandali itong natahimik. May nagbubulong-bulungan sa kabilang linya. Kalaunan ay may nagsalita roon. "Okay naman kami anak. Na busy lang. Syempre ine-enjoy ng mama mo ang bakasyon namin rito sa Maynila," sagot ni Ninong Anselmo na tila may oagkabalisa sa kanyang boses. "Ganun po ba Pa? Mag-iingat kayo dyan ha? Akala ko kung ano na, eh." "Ay pagpasensyahan mo na itong si Edgar dahil na wron

