Kinabukasan ay maagap akong nagising para mag-jogging kasama si Eliezer. Hindi ko alam kung jogging bang matatawag iyon dahil nakasakay sa moyor si Eliezer habang ako, nagja-jogging. Mabagal lamang siyang nakasunod sa akin. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong yayain si Eliezer na pumunta ulit sa dalampasigan malapit sa burol. Bukod sa gusto kong pagpawisan ay gusto ko rin makita ang sunrise roon. Maaga pa lang ay ginising ko n asi Eliezer kahit humihilik pa iro sa sobrnag pagod ng nangyari sa amin kagabi. Hindi naman ito nakipagtalo pa at agad iyong nag-handa ng mga dadalhin namin. Wala nga siya sa mood mag-jogging ng ganoong oras dahil gabi-gabi naman daw siyang nag-e-excercise. Natatawa na lang talaga ako habang inaalala ko ang sinabing iyon ni Eliezer. Magmula nga ng umalis sil

