ELIEZER'S POV Habang abala si Doths sa paghahanda ng almusal, sinamantala ko ang oras para i-check ang motor ko. Matagal ko na rin itong hindi nagamit, kaya gusto kong siguraduhin na maayos pa ito bago ko gamitin. Pagkatapos ng ilang testing, okay naman ang makina. Walang problema. "Good morning, Eliezer!" bati ni Aling Yuli habang nagwawalis siya sa bakuran nila. "Good morning din po, Aling Yuli!" sagot ko habang ini-off ang makina ng motor. "Naku, bago ulit 'tong mga gulay na napitas ni Jamer," sabi niya sabay abot ng isang basket ng sariwang gulay. "Salamat po, Aling Yuli. Hindi niyo na talaga kami tinigilan sa kabaitan niyo," biro ko habang nagpapasalamat. "Naku, walang anuman 'yan. Alam ko namang mahirap pa kayong mag-settle ulit dito. Basta't nandito ako, may fresh gulay kay

