SH*T! I am in deep sh*t and I can feel it. Alam kong istrikta si Tia Carmel pero hindi ko pa s'ya nakitang magalit ng ganito. Wala naman kasi akong hindi sinunod sa lahat ng gusto n'ya. Kahit nga itong pagsama ko kay Russel ay hindi naman paglabag eh. Hindi lang talaga ako nagpaalala kasi alam kong hindi s'ya papayag.
"Maxine Arguelles, saan ka nanggaling at ngayon ka lang. Dumating ako kagabi dito pero wala ka."
Kami lang dalawa ni Tia ang may susi sa dorm ko. Kampante ako na hindi s'ya darating this weekend dahil sabi n'ya ay may pupuntahan s'yang kaibigan. Hindi ko naman akalain na pupunta s'ya dito pagkatapos. Mabuti na lang at hindi ako hinatid ni Russel. Nagpipilit pa nga kanina pero sabi ko ay maaga pa naman at magaan lang ang dala ko. May ilang padala sina Aling Dahlia at Gia sa akin na pagkain para hindi ko daw masyadong mamiss ang Batangas.
"Tinatanong kita, naputol na ba ang dila mo at hindi ka makapagsalita?"
"Sorry po, Tia. Galing po ako sa Batangas sa kaibigan ko. Doon po ako nagweekend dahil birthday ng kapatid n'ya." Pinilit kong kumalma pero bigo ang boses kong nanginginig sa takot sa kanya.
"Sinong kaibigan?"
Si Tia Carmel ang taong galit na ay hindi pa nagtataas ng boses pero madidiin ang mga salita. Ang mukha n'ya ay sapat na para matakot ka. Hindi ko pa yata ito nakitang ngumiti kahit isang beses. Gusto ko nga sanang tanungin kung bakit hindi na s'ya nag asawa. Ngayon ay kwarenta y dos na s'ya at huling huli na sa byahe.
"Si Russel po." Hindi n'ya ito kilala pero ayaw ko din naman patuloy pang magsinungaling. What's the worst she can do? Ground me? Okay lang naman sa akin tutal bahay eskwela din lang naman ako.
"Sinong Russel? Ngayon ko lang yata narinig ang pangalan n'ya," kunot noong tanong nito sa akin.
"Russel Astoria po, kaklase ko po s'ya at kaibigan din."
"Lalake? Bakit lalake?!"
Man hater yata talaga si Tia. Pati ba naman kaibigan bawal din ang lalake. Ang sabi n'ya dati ay huwag akong magnobyo habang nag-aaral pa. Sinunod ko naman ang gusto n'ya.
"Kaibigan ko lang po si Russel, Tia. Wala naman po kaming ginagawang masama," katwiran ko sa kanya.
"Sumama ka sa lalakeng 'yon papuntang Batangas?! Hindi ka na nahiya sa pamilya n'ya. Hindi mo man lang ako inisip! Kung buhay ang mga magulang mo ay hindi sila papayag sa gawain mong 'yan!"
Napaupo ito sa inis sa akin at itinutok ang bentilador sa kanya. Nakita ko pa s'yang pumikit at wari ko ay may iniisip na seryoso. Grounded na nga siguro ako. Wala na akong magagawa. Besides, isang linggo lang naman siguro ang parusa n'ya sa akin.
"Tia, hindi naman po kami magkatabing natulog ni Russel. Kasama ko po sa kwarto ang kapatid n'yang si Gia. Isa pa po ay hindi ko naman manliligaw 'yon. Kaibigan ko lang s'ya. Pasensya na po kayo kung hindi ako nakapagpaalam. Alam ko po kasi na hindi kayo papayag."
"Alam mo naman pala na hindi ako papayag ay bakit itinuloy mo pa rin?"
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Wala rin akong maisagot sa kanya. Ang mali ko lang naman ay hindi ako nagpaalam. Pero ang kasunod n'yang sinabi ay nagpagimbal sa mundo ko.
"Po?"
"Alam kong narinig mo ako. Gusto kong makausap ang lalakeng 'yon at ang mga magulang n'ya. Kailangang panagutan ka n'ya."
"Pero Tia, hin —"
"Wala ng pero pero, Maxine. Simula bukas ay hindi ka na tutuloy dito sa dormitoryo. Pinuputol ko na ang allowance mo. Kailangang makasal kayo sa lalong madaling panahon bago mahalata ang t'yan mo."
"Hindi naman po a—"
"Kapag sumagot ka pa ay tatamaan ka na sa akin."
Napapikit ako at ramdam ko ang pagsigid ng sakit ng ulo ko. Hindi naman ako mabubuntos dahil walang nangyari sa amin. Lalong hindi ako kailangang pakasalan ni Russel! Diyos ko naman! Kung patatapusin n'ya lang ako sa sinasabi ko at pakikinggan ay hindi naman kailangang umabot sa kasalan.
"Tawagan mo ngayon din si Russel, at sabihin mong puntahan ako sa Nueva Ecija. Isama n'ya kamo ang mga magulang n'ya at paguusapan namin ang kasal n'yo."
"Tia Carmel, please naman po. Pakinggan n'yo muna ako."
"Nakapagdesisyon na ako. Kapag naging magulang ka na ay maiintindihan mo rin ang lahat ng ito. Imbes na bukas ay sa Byernes ang huli mong araw dito sa dorm at pagkatapos ay kay Russel ka na uuwi."
Wala akong nagawa kundi tawagan si Russel. Umuwi rin kaagad si Tia. May sarili s'yang sasakyan at driver. Ring lang ng ring ang phone. Nakakadalawang attempt na ako. Please naman, sumagot ka.
"Hello, Max. Napatawag ka? Miss mo na kaagad ako?"
Masaya ang boses n'ya. Ayaw kong maging dahilan ng pagkalungkot n'ya. Paano ka sasabihin? Russel, kailangan mo daw akong panagutan dahil iniuwi mo ako sa bahay n'yo. Nagalit s'ya at hindi ako nagpaalam? Malinaw pa sa sikat ng araw na pikot itong gagawin ko.
"'Hoy, and'yan ka pa ba?"
"Nandito pa. Russ, kasi — may sasabihin ako sa 'yo."
"Ano 'yon? Crush mo ako?"
Napahilamos ako sa mukha ko. "Russel naman! Seryoso ako."
"Okay, I'm listening. What is it?"
"Nandito si Tia kanina at galit na galit. Hanggang Byernes na lang ako dito sa dorm."
"Wala kang matutuluyan? Dito ka na lang muna, maliit lang ang apartment ko pero hindi naman kita papabayaan. Sa salas na lang ako matutulog, doon ka sa kwarto."
Na-touch ako sa sinabi n'ya. "I appreciat that but we have a problem."
"We? What do you mean we?"
Halatang naguluhan s'ya. Ako man gulong gulo na. Paano ko sasabihin sa kanya na nagdedemand ng kasal ang tiyahin ko eh ni hindi nga kami magkasintahan. Kahit yata iharap ko si Gia kay Tia Carmel ay hindi s'ya maniniwala."
"Sabi ni Tia kanina, kailangan mo daw akong panagutan dahil sumama ako sa iyo sa Batangas. Hindi s'ya naniniwala na walang nangyari sa atin. Aasahan daw n'ya sa Sabado ang mga magulang mo. Pinapapunta kayo sa amin sa Nueva Ecija. I'm sorry, Russel. Hindi ko alam na mauuwi sa ganito. Kung hindi kayo pupunta maiintindihan ko." It is so embarrassing but the least I can do is be honest with him.
Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya. "Darating kami."