DUMATING ang pamilya ni Russel sa bahay namin bago mag-tanghalian noong araw ng Sabado. Sa dumaan na limang araw ay wala akong naintindihan sa klase. Pilit kong iniisip kung ano ang magandang gawin para magbago ang isip ng tiyahin ko. Maling mali naman kasi ang gusto n'yang mangyari. Kung may iba lang akong mapupuntahan ay baka naglayas na ako. Ayaw ko pang mag-asawa.
Athough gwapo na at mabait pa si Russel ay hindi pa rin tama na magpakasal kami. Ang totoo n'yan, crush ko s'ya noong first day of class. Pero nasanay na rin ako sa presensya n'ya noong lumaon. Sa dami ng nagkakagusto sa kanya ay ayaw kong pumila. Okay na ang magkaibigan na lang kami.
"Hindi ako pumapayag na hindi sila makakasal. Doon natulog ang pamangkin ko sa bahay n'yo," matigas ang salita ni Tia Carmel. Ako ay gusto ng matunaw sa kinauupuan ko. Hiyang hiya ako sa pamilya nila dahil sa kung anong ikinaganda ng pagtanggap nila sa akin sa Batangas ay s'yang kabaligtaran naman ng asal ng tiyahin ko.
Nagsalita si Aling Dahlia. "Carmel, hindi ko tinatanggihan si Maxine. Napakabait ng batang 'yan. Pero ang babata pa nilapara makasal. Bente anyos pa lang sila. Isa pa ay hindi naman sila magkatabing natulog ni Russel. Si Gia ang kasama ni Maxine sa kwarto."
"Kahit na, hindi pa rin magandang tingnan na doon natulog ang pamangkin ko sa inyo,"
Napabuntong hininga ang ina ni Russel at kinapitan naman ni Manong Sid ang kamay ng asawa n'ya para kalmahin. Si Gia ay parang maiiyak na sa maagang pag-aasawa ng kuya n'ya habang si Darwin naman ay nakangiti lang at mukhang hindi masyadong naiintindihan ang nangyayari. At si Russel, tahimik lang s'ya sa tabi ko at hindi ko mabasa ang saloobin n'ya.
"Sige, kung 'yan ang makakapagpalubag ng loob mo ay ipapakasal namin ang mga bata," umpisa ni Manong Sid.
"Pero 'tay --" tumutol si Gia at itinaas ng kanyang ama ang kamay nito. Hudyat para patapusin s'ya sa kanyang sinasabi at natahimik ito.
"Hindi namin matitiis na walang sisilungan si Maxine dahil itatakwil mo s'ya kung hindi s'ya papakasalan ni Russel. Saan mo sila gustong ikasal -- dito ba o sa Batangas?"
"Dito na sa amin."
Tumango ito. "Matagal ang proseso ng kasal sa simbahan at alam kong nagmamadali ka. Sa huwes ikakasal ang mga bata sa ngayon at pag nakagraduate na sila ay pwede na silang magpakasal sa simbahan. Ikaw na ang bahalang umayos ng mga papales at kung ano ano pa. Papupuntahin ko dito si Russel para may kasama kayong mag-intindi."
Natapos ang usapan ng wala man lang lumabas sa bibig ng kaibigan ko. Galit ba s'ya sa akin? Imposible naman na gusto n'ya rin makasal sa akin. Sinunod n'ya ang sinabi ng kanyang ama. Isang linggo ang matuling lumipas at ikinasal kami sa huwes. Kinausap n'ya ako pagkatapos ng kasal namin. Wari ko ay hinintay n'ya na kami na lang dalawa. Linggo ng umaga kami ikinasal at pagkatapos naming mananghalian ay bumalik na kami ng Maynila dahil may pasok pa kami sa unibersidad kinabukasan.
Isang double sized bed lang ang nasa kwarto ng silipin ko. Ibinaba n'ya ang bag ko at nagtungo si Russel sa kusina. Maliit lang ang apartment n'ya at may isang lamesita na pang-dalawahan. May isang sofa din at coffee table. Malinis s'ya sa pamamahay kahit lalake. Bigla ko tuloy naisip kung sino ang nadala na n'ya dito. Babae ba?
"Ayusin mo na ang gamit mo sa closet. Isa lang ang kama ko dito. Sa kwarto ka na, dito ako sa sofa," sabi n'ya sa akin.
"Pero hindi ka magiging komportable d'yan. Sa haba mo ay lalawit ang binti mo o nakabaluktot ka kung d'yan ka matutulog."
Napangisi s'ya. "So gusto mong magkatabi tayong matulog?"
Pinamulahan ako ng pisngi. "Hindi 'yon ang ibig kong sabi--"
"Sabagay, mag-asawa naman na tayo. Pwede na tayong magtabi."
"Russel, hindi 'yon ang gus--"
"But sorry to disappoint you, sa papel lang tayo mag-asawa. Wala akong planong buntisin ka at gawing totoo ang pagsasamang ito. Max, after a year ay pwede na siguro tayong magfile ng annulment."
Annulment? Wala pa kaming bente kwatro oras na mag-asawa ay naisip na n'ya ang annulment? Ano aba ang iniisip mo? Na tuwang tuwa s'yang pakasalan ka? Ni hindi mo nga tinanong kung may mahal s'yang iba o kung attracted ba s'ya sa 'yo. Of course annulment ang una n'yang iisipin dahil sapilitan lang ang lahat ng ito.
Napabuntong hininga ako. "Pwede bang patapusin mo muna ako. Hindi ko sinabing magtabi tayo sa higaan. Ang gusto kong sabihin, ikaw na sa kwarto at ako na dito sa sofa. Mas kasya naman ako dito kaysa sa iyo. At para naman sa annulment na sinasabi mo, sige. Pagkagraduate natin ay mag-file tayo. Wala pa lang akong sapat na pera. Ang alam ko ay nasa isang daang libo 'yon at dalawang taon ang proseso."
"Since this marriage is your family's idea, siguro dapat ikaw na ang magshoulder ng expenses ng annulment. Tutal, pamilya ko naman ang gumastos sa kasal natin."
"Okay, but you have to give me time. Hindi madaling maghanap ng trabaho ngayon at malaking pera ang isang daang libo. Wala akong ganoong pera."
"Walang problema, ang mahalaga ay maumpisahan ang pag-file as soon as we graduate. Isa pa, bawal kang magpaligaw kung kanino kahit hindi nila alam na kasal na tayo. Dala mo na ang pangalan ko kaya ineexpect ko na iingatan mo. Let's shake hands and make a deal," inabot n'ya ang kamay sa akin.
Pero bago ko kunin 'yon ay tinanong ko s'ya. "Walang problema sa ligaw ligaw dahil hindi rin ako interesado. Huwag kang mag-alala, hindi ko dudungisan ang apelyido n'yo. But if you're going to ask me that, then you must give me the same thing. Fidelity in one year and then we are both free. Deal?"
Saglit itong napaisip. "Deal."
Nag-shake hands kami para iselyo ang pinagkasunduan namin. Dapat pala pagka-graduate ay makahanap ako kaagad ng trabaho para makaipon sa annulment. O kaya naman, mag-abroad kaya ako. Open naman ang Canada ngayon at maluwag pa. Inayos ko ang damitan namin para mailagay ang gamit ko. Patapos na ako ng sumungaw s'ya sa may pinto.
"Nagbago na ang isip ko, tabi na lang tayong matulog. Huwag mo lang akong gagapangin at hindi kita tatanggihan," nakangiting sabi nito sa akin at kumindat pa. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at nanigas ako kinatatayuan ko. Wala pa akong nakatabing lalake sa kama! Pero hindi basta lalake si Russel.. asawa mo na s'ya Maxine.