Chapter 4

1577 Words
MAAGA akong gumising kinaumagahan para mag-intindi sa aming dalawa. Mag-asawa na kami at kahit sa papel lamang, gusto kong alagaan s'ya bilang kaibigan katulad noon. Nilabas ko ang itlog mula sa maliit na ref at saka longganisa. Wala kaming tirang kanin kaya nag-saing ako ng panibago. Ang sabi n'ya kahapon ay sira ang rice cooker kaya mano-mano ang pagluluto ng kanin sa maliit na kaldero.  Nang tumingin ako sa relo ay alas sais pa lang ng umaga. Hindi naman s'ya tumabi sa aking matulog. Naglatag s'ya sa sahig. Mas komportable doon kaysa sa maiksing sofa sa salas. Saka ko lang naalala na wala pa palang laman ang aking sikmura. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang percolator. Mas madaling magpainit ng tubig dito kaysa sa takure.  Ang kape ay kakaunti na pero madami pang asukal. Nagtaka pa ako ng hindi makakita ng three-in-one. Hindi ba mas madali 'yon kaysa sa kapeng dala n'ya? Nahagip ng mata ko ang isang coffee press. Ah, sa tingin ko ay dahil mas gusto n'yang inumin ang kapeng barako kaysa sa instant coffee. Mas masarap naman talaga at mas mabango. Nakarinig ako ng yabag at ang pupungas pungas na si Russel ang nabungaran ko.  "Good morning," bati ko sa kanya. "Morning," inipod n'ya ang isang silya at naupo sa hapag.  "Gusto mo ng kape?" Tumango lang ito habang pikit. Gusto kong matawa sa itsura n'ya. Kulang na lang ay malaglag sa sahig dahil mukhang nakatulog na habang nakaupo. Ipinagpatuloy ko ang pag-gawa ng kape. Madali lang naman gawin basta may coffee press. Sa wakas ay kumulo na rin ang tubig. Ang tanong, hindi ko alam kung anong nilalagay n'ya sa kape n'ya. Gusto ko sanang tanungin pero narinig ko pa ang mahinang hilik n'ya.  He's simply handsome. Kahit lumang puting t-shirt lang ang suot at pajama ay hindi maitatanggi ang kagwapuhan n'ya. Tama lang ang pangangatawan, hindi payat at hindi mataba. Ang ginawa ko ay inilapag ko ang lalagyan ng asukal at coffee mate sa harap n'ya saka platito na may kutsarita kung sakaling ayaw n'ya ng purong kape lang. Ako kasi ay mas gusto ang may creamer at asukal. Hindi ko kaya ang purong kape lang, mapait. Binalikan ko ang dalawang tasa ng kape at naupo sa katabing silya n'ya. "Russel, kape mo." Nagmulat ito ng mata at saglit na tumitig sa akin bago ibinalik sa kapeng nasa harap n'ya.  "Ano 'yan?" tanong n'ya sa akin. "Kape mo." "Bakit maitim?" kunot noong tanong n'ya.  May kape ba naman na maputi? Pero magbiro ka na daw sa lasing huwag lang sa bagong gising.  "Ah, hindi ko kasi alam kung anong nilalagay mo sa kape mo," sabi ko sa kanya habang tinitimpla ang kape ko.  Pero bago ko pa nainom 'yon ay nakuha na n'ya at inilapat sa labi n'ya saka tinikman. "Masarap. Sa akin na lang ito," patuloy ang paghigop nito ng kape ko at mukhang nasarapan.  Napanganga ako. "Akin 'yan." "Kanina 'yon," tatawa tawang sabi nito. Mayamaya ay suminghot singot at ibinaba sa mesa ang kape n'ya.  "Ano 'yon? Amoy sunog." Patay! Dali dali kong pinatay ang kalan. Naiwan ko ang longganisa at naiga na ang tubig nito at ngayon ay maitim na. At pagtingin ko sa sinaing ay medyo madilaw na ang ibabaw nito. Sunog rin. Gusto ko ng bumuka ang sahig at kainin ako ng buo. Nakakahiya.  "Sorry. Nawala sa isip ko, kumakalam na kasi ang sikmura ko." Tumayo ito at tiningnan ang mga pagkain na dapat ay kakainin namin. Halatang nagpipigil ng tawa.  "Maupo ka na at magluluto ako ng scrambled egg tapos mag-tinapay na lang tayo," sabi n'ya sa akin.  Napakamot ako sa ulo. "Marunong ka?" "You think your burnt longganisa is better?" Napalabi ako. "Eh hindi naman talaga dapat masusunog 'yan kung mamaya ka pa gigising." Okay, parang tanga lang ang dahilan ko. Pero totoo naman, kung mamaya pa s'ya gigising hindi ako matataranta sa pagluluto. Makakapagkape ako kahit papaano. Kasi naman eh, inuuna mo pa ang pagtitig sa natutulog n'yang mukha kaysa sa pag-gawa ng agahan. AKO pa pala ang may kasalanan kung bakit nasunog ang sinaing n'ya at longganisa?  "Okay, ako pala ang may kasalanan. Sige, maupo ka na d'yan bago masunog itong apartment," sabi ko sa kanya. I was just teasing her pero namula s'ya at sumimangot.  "Sunog agad ang apartment? Hoy, para sabihin ko sa 'yo, ngayon lang ako nasunugan ng sinaing at kahit anong ulam." Habang nagbabate ako ng itlog sa mangkok ay tumingin ako sa kanya. "Ano ba kasing nangyari? Anong ginagawa mo?" Saglit s'yang nag-alinlangan kung sasabihin at sa huli, ang binanggit lang n'ya ay walang kakwenta kwentang sagot.  "Basta." Hinayaan ko na. Kung anuman 'yon ay pakiramdam ko may kaugnayan sa akin at mukhang hindi pa s'ya handang sabihin. Mabilis akong nagluto ng itlog at saka inihain sa mesa. Kumuha rin ako ng tubig at baso. Si Maxine naman ay tumayo at kinuha ang tinapay pati dalawang plato at kubyertos. Tahimik kaming kumain ng agahan. "Ako na ang magliligpit nito, mauna ka ng maligo," sabi n'ya. "Ayaw mong sumabay?" biro ko sa kanya.  Inambahan n'ya ako ng suntok kaya bahagya akong napaatras. Bagamat alam kong hindi naman n'ya itutuloy ay kinabahan pa rin ako. "Hep! Relax, joke lang 'yon. Pinakain ka na nga, manununtok pa." Inirapan n'ya ako. "Anong kinalaman ng pagkain sa sabay na panliligo, aber?" dinala nito sa lababo ang mga pinagkainan namin at sinimulang hugasan.  "Bakit? Ginagawa naman 'yon ng mag-- aray!"  Kinurit n'ya ako ng pino sa braso at napaigik ako sa sakit. "Kapag hindi mo ako tinigilan d'yan sa katabilan mo ay hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin." "Para kang amasona! Wala na ngang thank you ay may kurit pa! Makaligo na nga," nang sulyapan ko s'ya ay may ngiting tagumpay ito.  In fairness, mabilis s'yang kumilos at hindi katulad ng ibang babae sa mga palabas sa telebisyon. Alas otso kinse ang simula ng klase namin ngayong Lunes at may kasungitan ang Prof kaya hindi dapat mahuli. Pagkababa namin ng apartment ay naglakad kami papuntang sakayan ng jeep. Pwede namang lakarin pero siguradong tutulo ang pawis namin. Medyo mainit pa naman ang panahon ngayon.  "Ano ba 'yan? Palagi bang mahirap ang sakayan dito?" naiinis na sabi nito.  Sanay kasi s'ya sa dormitoryo na ilang hakbang lang mula sa unibersidad at hindi na kailangang mag-sakay.  "Hindi lagi, gusto mo bang maglakad na lang?" tanong ko sa kanya. Nang tingnan ko ang relos ay nasa alas syete kinse na. Kung may jeep ay nasa bente minutos na byahe. Kaya lang, punuan ngayon. Gusto ko ng isipin na may kakaiba talaga kapag araw ng Lunes -- parang sumpa. "Ano? Maglalakad? Ilang kanto mula dito 'yon," pumadyak ito at mistulang bata sa pagkainis. This is the side of her that I've never seen before.  "Gusto mo bang ma-late sa klase ni Alcantara?" tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa relos n'ya at sinapo ang mukha. Pansin ko lang, wala s'yang bahid na kahit anong kolorete sa mukha maliban sa lip gloss. I think she looked very pretty.  "What?" tanong n'ya sa akin na nakabusangot. "Ha?" "Bakit ka nakatitig sa akin? Nagagandahan ka?" Napaiwas ako ng tingin. "Nagagandahan agad, pwede bang baka may muta muna?"  Napangiti ako ng bigla n'yang hipuin ang dulo ng mata n'ya at nagpahid. "Wala naman ah!" asik n'ya sa akin at pinalo ako sa braso ko. Kanina kurit, ngayon palo. Bigla akong napatawa. "Tsansing na 'yan ha! Kanina ka pa hipo ng hipo sa braso ko." "Tarantado ka," gusot na gusot na ang mukha n'ya.  Hindi ko napigilan na dukwangin s'ya at gawaran ng halik sa pisngi. Bigla itong natulos sa kinatatayuan n'ya. 'Yon lang pala ang makakapagpatahimik sa kanya. Swerte namang may dumaan na bakanteng jeep. "Tara na, asawa ko. May jeep na, hindi mo na kailangang maglakad." Pero hindi pa rin s'ya kumikibo. Akala ko tuloy ay na-stroke na s'ya. Kinuha ko ang kamay n'ya at hinila. Bigla naman itong bumalik sa kasalukuyan at naglakad papunta sa jeep. Pinauna ko s'yang pumasok sa loob at saka tumabi sa kanya sa upuan. Bumunot ako ng pamasahe at saka inabot sa driver.  "Manong, bayad po dalawa," sabi ko sa driver. Sakto lang ang ibinigay kong pamasahe at dahil maaga pa ay madali kaming nakarating sa unibersidad. Habang naglalakad kami papunta sa klase ay tahimik pa rin s'ya.  "Anong problema?" "Bakit ka nanghahalik?" mabilis n'yang sagot sa akin. Napakamot ako sa ulo. "Ang daldal mo kasi, ke aga-aga ay nagsusungit ka na." "Gusto mo kasi akong paglakadin eh ang layo! Baka bago tayo makarating dito ay wala ng swelas itong sapatos ko," sabi n'ya sa akin. "Eh di ibibili kita ng bago, problema ba 'yon." "Ewan ko sa 'yo. Huwag mo ng uulitin 'yon!" asik n'ya sa akin. "Ang alin?" pang-aasar ko sa kanya. Alam ko ang tinutukoy n'ya. "Gusto mo talagang sabihin ko pa?" mulagat na tanong n'ya. "Mahirap manghula." "Iyong ano -- uhm.." napapadyak  na naman s'ya sa inis.  'Yon ang napansin ko kapag naiinis s'ya, bigla na lang pumapadyak. Honestly, I find it cute. Dati kasi ay palaging composed ang itsura nito at parang walang pwedeng gawin mali. Who knew she was going to burn our breakfast this morning? "Alin ang ano?" "Basta, 'yong kanina." "Maraming nangyari kanina, hindi ko alam kung alin doon," patuloy ko pa.  Pulang pula na s'ya. Hindi ko alam kung sa hiya o sa inis sa akin. "Ito ba?" This time, I kissed her on the lips quickly. It's a good morning after all. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD