ARAW ng kasal ni Tia Carmel pero hindi maipinta ang mukha nito kanina at bumalik sa kwarto. Si Manong Art ay kanina pa pabalik balik sa paglalakad sa salas at mukhang tense na tense ito ng dumating kami. Magkakasabay kami nina Nanay nagpunta dito dala ang jeep. "Manong, ano po ang nangyari at parang galit si Tia Carmel?" tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga ito. "Nagtext kasi ng congratulations ang isang kaibigan --" "Kaibigan po ba or ex n'yo?" tanong ko sa kanya. "Peksman pa, Maxine -- kaibigan ko lang s'ya. Wala naman akong nililihim sa iyong Tia. Ipinabasa ko pa nga sa kanya. Hayun at nagalit na. Ayaw na daw n'yang magpakasal sa akin, iiling iling na sabi nito. Hindi ko alam na may side si Tia Carmel na ganito. At forty-one, capable pa rin palang mag-selos. Sabagay, wala nmang

