TUWANG tuwa pa rin ako kapag naaalala ko ang isinagot ni Russel kay Corina kanina. Buti nga sa kanya. Walang kasing landi ang babaeng 'yon. Sa dinami dami ng lalake sa mundo ay walang wala na ba at kailangang si Russel pa ang puntiryahin n'ya kahit alam naman n'yang ako ang nobya nito? Kahit nga tinawag na akong asawa sa harap n'ya ay hindi man lang natinag. Napakagarapal ng garapatang 'yon. Nagpaalam si Russel na makikipag-inuman kina Jonathan at pumayag naman ako. Kanina ay magkakasama kaming lahat pero hinatid n'ya ako dito sa kwarto nang sabihin kong inaantok na ako. Si Darlene ay ganoon din kaya ang natira ay pawang mga lalake na lamang. Naalimpungatan ako na wala pa rin si Russel sa tabi ko kaya nagdesisyon akong lumabas. Tanaw ko ang kubo na pinag-iinuman nila kanina at wala ng t

