PERO ang balak kong pagpunta sa doktor ay hindi natuloy kinabukasan dahil ang asawa ko ay nagkaroon ng emergency sa opisina. Maaga kaming umuwi sa bahay kasama s'ya. It was a confidential meeting at dapat ay hindi ako kasama sa usapan pero dahil ginanap ito sa bahay namin at ang mag-asawa lang ni Dar ang kapulong ay narinig ko ang usapan nila. Si Ross ay nasa taas at naglalaro ng mga laruan n'ya habang nanonood ng telebisyon. "Paano nangyari na umurong si Mr. Sandoval?" iritadong tanong ni Russel. Umiling si Jonathan. "Hindi ko rin alam. Nakapagbuhos na ang mga tao para sa apat na model houses. Ang ipinagtataka ko ay nawawala ang papel na pinirmahan natin sa HR. Ang tanging kopya na nandoon ay ang draft kaya malayang nakaatras ang lalakeng 'yon." "I think it's an inside job," sabi ni D

