NAKIPAG-SETTLE sina Tia Carmel sa company at binayaran ng mga ito ang danyos pati na ang lahat ng abala. Sa ngayon ay malakas na ang mga ito at pagkatapos ng isang buwan na pamamalagi sa bahay ay umuwi rin sila sa Laguna. Pilit ibinabalik ng mga ito ang nagastos ni Russel pero ayaw tanggapin ng asawa ko. Hindi daw nagpapabayad ang pamilya. Ngayon ay tatlo na lang kami sa bahay at ang kasambahay ay binigyan na rin ng severance pay ni Russel. Ayaw pa n'ya sanang paalisin ito pero ang sabi ko ay kaya ko na silang dalawa ni Ross. Gusto kong masarili namin ang bahay na kami lang. I longed for that at ngayon ay buo na kami. Pinahigpitan ni Russel ang security sa village at nagbigay ng instruction na huwag magpapasok ng kung sino unless na-confirm na sa may-ari ng bahay. Sabado ngayong ng uma

