FLASHBACK | Five years ago "Salvador!" hiyaw ng aking ina. Sa lakas ng sampal ni Daddy sa akin ay sumalya ako sa mesa. Nalasahan ko ang dugo sa aking labi. Hindi ko inasahan ito sa aking ama dahil kahit noon pa man ay sunod ang aking layaw. Lamang ay palaging wala itong oras sa akin. Ang aking ina naman ay walang kibo at sunud sunuran dito. Lumaki akong may inggit sa kalaro at kaklase dahil palaging may kasamang magulang. Kung hindi man ama, ay may kasamang ina. Samantalang ako ay palaging yaya. My way of rebellion was going out with my friends. With money, I can fake everything. At dahil malaking bulas ako ay hindi nagduda ang mga tao kapag pumupunta ako ng club. I just need to show them my fake ID. My friends are slightly older than me kaya hindi na sila menor at malayang nagagawa a

