NGAYONG araw na ito ay nakita ko si Russel at nakatabi sa upuan. Kung noon ay gwapo s'ya, doble na 'yon ngayon. Malaki ang gusto kong i-invest sa company nila pero tinanggihan n'ya 'yon. Dinoble ko sa halagang five hundred million pero hindi ko s'ya nasilaw. Ayon sa kanya ay may sapat pa namang capital ang company nila para sa expansion na pinaplano nila. 'Yon ang ikinangingitngit ko ngayon. Sa inis ko ay kahit wala pang alas sais, nagtungo na ako dito sa bar. Humithit ako ng sigarilyo at uminom ng tequila. Ito lang naman ang lagi kong karamay. At s'yempre ang iba't ibang lalake na kaulayaw ko kapag nakakaramdam ako ng libog. I was lost in my thoughts when my cellphone rang. "What?!" asik ko dito. Ito ang yaya ni Chrissy. "Ma'am, pasens'ya na po sa abala. Pero mataas po ang lagnat ni C

