DIRETSO sa talyer ang kotse ko habang kami naman ay umuwi na sa bahay. Mukhang malalim ang iniisip ni Russel. Para itong balisa at hindi mapakali. May problema ba? Opisina o personal? Kapag kami na lang dalawa ay tatanungin ko s'ya. Mas mabuti na ang nag-uusap kaysa naghihinala. Natuto na ako sa pagkakamali ko dati at limang taon ang nawala sa amin. This time, it will be different. "Ang akala ko ay kung ano na ang nangyari sa inyo. Tawag ako ng tawag kanina pero hindi ka sumasagot tapos biglang cannot be reached na," sabi ng asawa ko pagdating. "Na-lowbat na kasi ang phone ko," sabi ko sa kanya. "Si Gia, tinawagan ko rin pero cannot be reached din," sabi nito sa akin. "Wala kasing signal, Kuya. May forty percent pa akong battery kaya masasagot ko sana ang tawag mo," sabi ni Gia. Tu

