NAILIPAT na si Manong Art sa private room at dahil may available na malaking suite ay ito ang kinuha ni Russel para magkasama ang mag-asawa. Si Tia Carmel ay umaayos na ang lagay kahit kumikirot pa rin ang sugat nito. Mag-iisang linggo na sila sa hospital ngayon at after a series of test, sinabi ng doktor na makakauwi na daw ang mga ito tatlong araw mula ngayon. Malayang nakakadalaw si Darla sa mga magulang n'ya. At kahit may kama doon para sa bantay na pwedeng tulugan nito ay hindi ko hinayaan. Baka makakuha pa s'ya ng mga sakit. Dinadala ko na lang s'ya doon para mabisita palagi ang mga Mommy n'ya. Binilhan ako ng kotse ni Russel kaya malaya akong nakakaalis kung kailan ko gusto. Naiipasyal ko rin ang mga bata. Si Gia sa ngayon ay naghihintay ng tawag ng mga inapplyan n'ya. Minsan ay

