BAWAT hagod ng kamay n'ya ay ramdam ko ang pagmamahal. Akala ko ay kung ano ang gagawin namin pero masahe lang pala ang tinutukoy n'ya. Noon ay binigyan na rin n'ya ako ng masahe pero walang oil. At 'yon nga, hindi naman talaga masahe dahil wala pa ng limang minuto ay nauwi na sa halikan. Napangiti ako sa pag-alala sa nakaraan. I didn't notice I fell asleep. Ang sarap ng masahe n'ya at dahil aircon, nakatulog ako kaagad. Hindi ko na rin kinayang suutin ang pang-itaas ko kanina. Patay na ang ilaw sa kwarto at tulog na rin si Russel. Tanging naiwan na lang ay ang kaunting liwanag mula sa banyo dahil nakaawang ang pinto nito. Nakayakap sa baywang ko ang aking asawa pero nang kumibo ito ay humawak sa isa kong dibdib. Naramdaman ko ang pagpisil n'ya. Kung ako ay walang pang-itaas, s'ya naman

