HALATA ang gulat ng asawa ko sa aking ginawa. At nang haplusin ko ang pisngi n'ya ay hinuli n'ya ito at dinala sa kanyang labi. "I missed you so much," sabi ni Russel. Punong puno ito ng emosyon at bakas ang pananabik sa akin. "I missed you too." Alam kong gusto n'yang itanong kung anong nangyari at hinalikan ko s'ya samantalang kanina ay sinusungitan ko s'ya. Pero wala akong narinig at kontento itong nakakapit sa aking kamay. Wari ko ay ayaw n'yang masira ang moment naming dalawa. Kaya ako na ang kusang nagkwento. "Nagkamalay na si Tia Carmel," panimula ko sa kanya. "Talaga? Salamat sa Diyos at ligtas na s'ya. Si Manong Art? Okay na ba s'ya? Dito ako nagdiretso." Nagtataka nga ako kung paano n'ya ako nahanap kaagad. Wala naman akong sinabi kanina noong kausap ko s'ya. "Paano mo

