BINALYA ko ang pinto nang makarating ako sa opisina. Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon ipamukha sa akin na kasal sila ni Russel. Ang buong akala ko ay nagtagumpay akong paghiwalayin sila pero hindi pa rin pala. Hanggang ngayon ay tinik pa rin s'ya sa aking lalamunan. Umuwi ako dito sa Pilipinas dahil may sakit ang aking ama. Wala akong choice kung hindi pamahalaan ang ospital. Not totally -- dahil uupo lang ako na chairman of the board. But still, I love my life in the States. Matapos kong mabalitaan na umalis si Maxine at pinaghahanap ito ni Russel ay tuwang tuwa ako. Pagkakataon ko ng mapasaakin s'ya. Noong una kong tapak sa campus ay gustong gusto ko na s'ya. Walang lalake na tumanggi sa akin -- si Russel lang. At gusto kong patunayan sa lahat na kaya ko s'yang maging akin. Tinataw

