LUNES ang araw na naka-schedule para sa DNA test ni Chrissy. Corina's face was beaming with happiness. Hinayaan ko lang s'ya sa gusto n'ya. Imbes na kapitan ang kamay ng bata habang naglalakad sila dito sa pasilyo ay ang yaya nito ang kadikit. Chrissy was holding her old doll at alam kong nandoon ang litrato ng kanyang tunay na ina. Naikwento sa akin ni Maxine ang tungkol dito. Hinintay ko sila dito sa labas ng lab. Tumayo ako ng makalapit sila. "Are you ready?" tanong sa akin ni Corina. She was wearing a black long sleeves shirt at maong na pantalon. As usual, hapit ito sa katawan n'ya. Ang belt ay Gucci at naglalarawan ng karangyaan. Ang buhok n'ya ay maayos na nakalugay at mukhang inayos pa ng isang hairstylist sa salon. Bakit hindi ay along alon ito at alam kong hindi natural 'y

