NAPATUNAYAN na si Louie ay nagkasala at para turuan ito ng leksyon ay itinuloy namin ang demanda. Sinamantala n'ya ang kahinaan ni Corina para patulan s'ya nito. Nalaman namin mula sa imbestigasyon na matagal na pala itong nagnanasa sa babae kahit noong nasa kolehiyo pa kami. Umamin ito na gumaganti s'ya kay Corina dahil sa pag-ayaw ng babae sa kanya noon. Nagtaka pa daw s'ya noong ito ang nag-offer ng sarili. At ng masiguro na hindi s'ya nito natatandaan ay itinuloy n'ya ang plano. Ang pagtatago n'ya ng dokumento na may lagda at palitan ito ng blangko para mag-appear na walang transaction na nangyari ay labag sa batas at pwede s'yang makulong hanggang anim na taon. Bukod dito ay nakita namin ang mga dokumentong naglalaman ng peke kong pirma. He was trying to do some business with other

