HINDI ko akalain na mabubuko kami kaagad. Nang buksan ko ang pinto ay nabungaran ko si Jonathan at Darlene. Parang itinulos ang mga ito ng mapagbuksan ko. Hindi na ako nagtataka na nagpunta dito si Jonathan dahil alam n'ya kung saan nakatira si Russel pero bakit kasama n'ya si Darlene? Ang isip ko ay gulong gulo at pilit nag-iisip kung anong magandang dahilan. "Max?? Anong --" tanong ni Darlene. Bakas pa rin ang pagkagulat kay Jonathan at walang maapuhap na pwedeng sabihin. May hawak ang mga ito na prutas at mukhang binili malapit sa baba. May maliit na palengke sa tapat. Talipapa ang tawag nila. "P-pasok kayo," sabi ko. Pumasok ang mga ito at maang pa rin na nakatingin sa akin. Handa na akong magdahilan ng magtanong uli ang mga ito. This time, si Jonathan. "Ang sabi ni Darlene may

