PAGKATAPOS naming pagsaluhan ang biniling goto ni Darlene ay umalis na rin sila ni Jonathan at naiwan kaming mag-isa ni Russ sa bahay. "Hindi na ako magluluto kung okay na sa iyo ang arroz caldo. Iinitin ko na lang," sabi ko sa kanya. Tumango naman ito. "Okay na 'yan. Hindi rin naman ako masyadong makakain at pakiramdam ko ay masusuka ako kapag sumubo ako. Besides, paborito ko 'yan kaya okay lang. Kasya ba sa ating dalawa 'yan para mamaya?" tanong nito na humiga sa maiksing sofa. Nakalawit ang binti nito sa dulo dahil hindi s'ya kasya. Na-touch ako sa sinabi n'ya dahil tinanong n'ya ako kung kasya sa aming dalawa at hindi sa kanya lang. May tinatago rin pala itong ka-sweetan minsan. Mas madalas nga lang lumabas sa katawan n'ya ang pang-aasar. "Kasya na ito. May itlog pa tayo dito sa r

