ISANG linggo kaming hindi nagpapansinan. Uuwi s'ya dapat sa Batangas pero hindi ako sumama. Umalis ako ng bahay at naglibot sa mall, nanood ng sine at doon na rin ako kumain. Pag-uwi ko ng hapon ay nadatnan ko s'yang nanonood ng telebisyon. Tulouy tuloy akong pumasok sa kwarto at hindi rin s'ya nagtanong kung saan ako galing. Well, ang totoo n'yan ay ako lang ang dumedeadma sa kanya noong una. Makalipas ang ilang araw ay hindi na rin n'ya ako pinapansin. Kapag naiisip ko ang mga puyat ko at tiis kong gutom para lang maalagaan s'ya at ipahuli ang sarili ko ay lalo akong naiinis. Maaga akong gumigising sa umaga at hindi na rin ako nagluluto ng almusal. Kahit kape sa labas na lang ako bumibili. Sa hapon hindi rin ako sumasabay sa kanya pag-uwi. At kung nasa unibersidad kami, malayo ang upua

